09/08/2026
🎂 A Sweet Pause for Deth’s Sweet Buds 🤍
Sa lahat ng aming clients, suki, at supporters—maraming, maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy na pagtangkilik sa Deth’s Sweet Buds.
Bawat cake na ipinagkatiwala ninyo sa amin ay naging bahagi ng isang espesyal na celebration, at bawat order, repeat order, recommendation, at magandang feedback ay lubos naming pinahahalagahan. ❤️
Sa ngayon, pansamantala muna kaming magpapahinga dahil babalik muna ako sa trabaho at kailangan kong harapin ang panibagong chapter ng aking buhay.
Hindi ito tuluyang paalam. Isa lamang itong pahinga. 🥹
Maraming salamat sa lahat ng naniwala, sumuporta, at naging bahagi ng munting pangarap na ito. Hanggang sa muli, mga ka-Sweet Buds! 🎂🤍
With love and gratitude,
Deth’s Sweet Buds ✨