10/08/2026
Duo Brew may have been closed yesterday, but you still found a way to find us. And that means so much. 🫶
STORY TIME, MGA KA-BREWS!
Yesterday was supposed to be our day off since day off ng staff namin and on travel naman si husband. Kaya supposedly, closed kami.
Pero around 3 PM, may kumatok sa amin. From Caramoran Proper pa sila. Nagtanong kung pwede raw bumili. Sabi ko, “Close po kami today,” pero naisip ko, sige, pwede ko naman silang timplahan ng drinks nila, lalo’t galing pa sila sa malayo.
So, in short… I temporarily opened our shop.
Buti na lang, always ready ang hot water namin for tea. Akala ko frappe lang ang o-orderin nila, pero nadagdagan nang nadagdagan ang orders nila for takeout. Sabi nila, masarap daw. 🥹💗
Sabi pa nga ng isa, “Ang sarap! Ba’t naman kasi ang layo nito?” 😂
30–40 minutes away kasi kami from Caramoran Proper.
Sobrang nakakatuwa po marinig ang mga ganitong salita. As a small business, malaking bagay na po sa amin ang bawat order at bawat taong dumadayo para makabili.
Hanggang sa sunod-sunod na rin ang mga walk-in customers na bumili. At nung nag-decide na ako na mag-close na ulit…
Biglang may tumawag. From Caramoran Proper ulit!
Sabi nila, hinanap daw talaga nila ang Duo Brew kasi nakikita nila kami sa social media.
Honestly, hindi namin ma-explain kung gaano kami nagpapasalamat sa ganitong klaseng support. Hindi man kalakihan ang store namin, pero every person who chooses to visit, order, and support us means so, so much. 🥹
At narinig ko pa silang nagkukuwentuhan about the prices of drinks in other places, and how affordable daw sa Duo Brew. We’re simply happy that we can offer drinks that are affordable, sulit, and made with love for our Ka-Brews. ☺️🧋🤎
These little moments remind us why we do what we do. ✨ Every order, every repeat customer, every person who takes the time to visit Duo Brew—sobrang naa-appreciate po namin kayo.
P.S. Hindi ko na napicture-an yung iba dahil madaliang timpla lang talaga ako—yung baby ko kasi nasa room lang. Kaya habang nagtitimpla ako, forda CCTV muna ang monitoring! 🤣
Thank you for making our supposed “day off” unexpectedly sweet, mga Ka-Brews! 🥹💗
From our little shop to your homes, maraming-maraming salamat po. 🫶🏻☕🧋