24/01/2025
Isang taos-pusong pasasalamat ang nais naming iparating sa inyong lahat na naging bahagi ng Tagpuan Restobar sa loob ng apat na taon. Sa bawat ngiti, tawanan, at alaala na binuo natin dito, kayo ang nagbigay-buhay sa ating munting tagpuan.
Gayunpaman, nais po naming ipabatid na ang Tagpuan Restobar ay tuluyan nang magsasara. Bagamat ito’y isang mahirap na desisyon, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal na aming natanggap sa bawat pagkakataon.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagtangkilik.