04/04/2018
"Are you okay?" "Yeah, I'm just tired." - The perfect excuse...
Madalas yan ang tinatanong sa atin kapag may napapansin ang mga kaibigan natin na kakaiba sa atin. Kadalasan din ganun din ang sagot natin "Yeah I'm okay, pagod lang."
Tama pagod ka, pagod ka physically at mas lalo na emotionally. Bakit nga ba? Dahil sa kanya, dahil hanggang ngayon siya pa din ang laman ng isip at puso mo. Siya pa din ang naglalaro sa sentido mo. Ibinabalik mo ang mga ma sasaya nyong alaala na magkasama. May pa smile smile kapang mag isa at kapag na ibalik na lahat sa kasalukuyan ang mala Dora mong adventure ito nanlalanta ka na nman..๐ข๐ฏHanggang kailan mo ba parurusahan ang sarili mo? Hanggang kailan mo siya iimbak sa puso mo? Sarili mo lang pinaghihirapan mo. Oo andon na ako, mahal mo siya parte na siya ng pagkatao mo. Sabi mo pa nga siya na ang buhay mo. Takte bez na buhay ka nga noong di mo pa siya nakilala eh paano pa kaya ngayon? Heads up na, tama na.๐ณ๐๐
Ipakita mo sa kanya mas kaya mo na wala siya. Mahalin mo ang sarili mo dahil yan lang ang di mang iiwan sayo. Di sila deserve sa pagod, puyat at luha mo. Lahat tayo nasasaktan dahil nagmamahal tayo. Part ng life na yan eh. Love is about to take risk. Ganun talaga. At least na patunayan mo na marunong kang magmahal, marunong kang magpahalaga.
Focus mo ang atensyon mo sa iba. Mas tuunan mo ang sarili mo at ang pamilya. Bumawi ka sa kaibigan mo na matagal mo ng di nakaka bonding dahil minsan inaayawan ng minahal mo. Lahat ng sakit, lahat ng luha at halakhak may natutunan ka. Hindi ibig sabihin na kaya kayo naghihiwalay para lang saktan ka. Minsan ang paghihiwalay ay isa sa mga way na matuto tayo sa mga bagay na kailangan natin pahalagahan habang nsa sa atin pa. Dahil tayo ang tipong hindi nakikita ang halaga ng isang bagay habang hawak hawak mo pa. Mapapansin mo kung gaano ito ka halaga kapag pag mamay ari na ng iba..Kaya ayos lang na umiyak basta pagkatapos kaya mo ng tumayo at ipakita sa kanya kung anu ang sinayang niya..