18/07/2026
Exactly one year ago today, we unlocked our doors with nothing but big dreams, ang tanging dala ko lang ay malaking pangarap at tiwala sa sarili, na sa bawat cups na ititimpla namen may maiiwan na ngiti at magandang alaala sa mga araw niyo.
Sabi nga nila “ sip happens” at sa loob ng isang taon, totoo talaga yan, may mga araw na sobrang abala dahil sa pag aasikaso ng mga kailangan, kapalit non may mga hapon na puno ng kwentuhan at tawana, may mga timpla na hindi agad naging perpekto at mayron din kailangang ulitin hanggang sa makuha ung eksaktong timpla, sa bawat araw na lumilipas dala ko lang ang paniniwala na bawat higop ay parang isang hiling, at bawat pagbili niyo ay biyaya, at bawat oras na nakakasama namen kayo ay sobrang espesyal.
Isang taon na ang lumipas at sobrang thankful ako sa mga bawat pamilyar na mukha na bumabalik balik umaraw man o bumagyo, sa mga bawat bagong kaibigan na nakikilala ko sa bawat sabe ng “ salamat” at ngiti na binibigay niyo, kayo ang dahilan kung bakit andito pa rin kami, gumawa ako ng maliit na safe space naten kung saan welcome lahat.
Mula sa aming mga puso maraming, maraming salamat po. Salamat sa tangkilik samin, sa pagtitiwala, at sa paggawa sa SIP HAPPENS na tahanan niyo rin. Hinding hindi namin to makakamit kung wala kayo.
From the bottom of our hearts maraming, maraming salamat. Thank you for choosing us, for trusting us, and for making SIP HAPPENS exactly where it was always meant to be. Here’s to more cups, more stories, more laughter, and so many more years ahead.
Happy 1st Anniversary to us and to all of you who made it possible! 💙☕✨