22/05/2026
Mga ka-billiards, ito na ang inyong huling paalala para sa pinakahihintay nating FIRST-EVER 10-BALL BILLIARDS TOURNAMENT bukas, May 23, 2026! 🏆🔥
Ang kapana-panabik na torneong ito ay handog ng ating Kapetana, Hon. Vicky Torres, ng Sangguniang Barangay ng Mayapa, at ng Progresibong Sangguniang Kabataan ng Mayapa bilang pakikiisa sa ating masayang Mayapa Fiesta 2026! 🎉
Para sa lahat ng mga rehistradong manlalaro. mangyaring tandaan ang mga sumusunod na mahahalagang detalye para bukas:
Time: 10:00 AM (Sharp!)
Location: D8 Billiards Mayapa
Entry Fee: ❌ NO ENTRY FEE (LIBRE ITO!)
🎁 Bonus: May FREE MEAL mula sa Kapetana para sa mga kasali! 🍽️
💰 CASH PRIZES AT TROPHIES:
🏆 Champion: ₱5,000 + Trophy
🥈 1st Runner Up: ₱3,000 + Trophy
🥉 2nd Runner Up: ₱2,000 + Trophy
🏅 3rd - 7th Placer: ₱500
⚠️ MAHALAGANG PAALALA (MAHIGPIT NA IPATUTUPAD):
⏰ BE ON TIME!
Pakiusap po sa lahat na dumating nang maaga. Ang mga mahuhuli ay automatic forfeited ang slot at agad na mapapalitan ng mga nasa waiting list.
⏱️ 30 MINUTES DEFAULT TIME
Mayroon lamang tayong 30-minute grace period. Kapag hindi sumipot ang player sa loob ng 30 minuto matapos tawagin ang kanyang pangalan, automatic default na po ang laban.
Limitado pa rin po sa 32 PLAYERS ONLY ang salpakan na ito.
Sino kaya ang tatanghaling kauna-unahang 10-Ball Champion ng Mayapa? 🥇 Kita-kits bukas ng 10:00 AM sa D8 Billiards! GAME ON! 🏁🎱