716 Food Products

716 Food Products Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 716 Food Products, Paciano, Calamba.

17/09/2019

SERBISYO SA MGA SENIOR NA POGO NGA BAH?

Dumanas diumano ng malaking kasakit ang mga Senior Citizen sa isang maunlad na bayan dito sa Laguna? Tila daw na Pogo ang pangakong tulong na mga gamot, na noong nakaraang linggo ay tiniyak na ibibigay sa darating na Martes. Subalit dumating ang Martes, sinabi na diumano ay suspended muna ang pagbibigay ng tulong na gamot.

Ang reklamo ng mga Senior ay gumastos na raw sila sa pagpapatingin sa mga doctor, dahil requirement diumano ito upang masabing totoo at lihitimo ang pagkakaroon nila ng karamdaman. Ganun pa man ay kabiguan ang kanilang nakamtan! Hindi rin sila nabigyan ng ipinangakong tulong na gamot?

Ukol naman sa programang burial assistance, ang taging kailangan ay magsumite ng mga papeles tungkol sa pagpapalibing at ito naman daw ay ibinibigay - kahit daw may kaunting kabagalan o katagalan.

May isang lumapit, na kaysa magpalaro ng sakla o baklay para matustusan ang paburol, minabuti nalamang humihingi ng bigas upang maipakain sa mga nakikipaglamay. Pero ang sabi ng nanghihingi ay binigyan siya ng “12 kilong bigas!” “Dati rati ang pagkakaalam ko ay isang sakong 25 kilo ang ibinibigay? Nagpakita pa ako ng death certificate,” dagdag kuwento pa niya.

“Nabalitaan ko na noong birthday ng isang opisyal, sila ay namigay sa mga empleyado ng isang sakong bigas? Pero kaming mahihirap na sakop naman ng kanilang programang tulong ay tinipid naman ng sagaran, baka na pogo nanaman,” maiyak-iyak na pahayag niya.

Baka naman ang ibig sabihin niya ay na pugo at hindi na pogo? Na-pugo na ang ibig sabihin ay napalagay sa di dapat kalagyan ang mga tulong na ipinamamahagi na dapat sana ay para sa mga indigent!

Sa larangan ng negosyo, alam ng marami na ang nangingibabaw sa bayang ito ay mga Pilipinong may lahi Tsino. Kaya hindi magtataka ang marami na sa darating na mga panahon ay may mapupugo, este baka magkaroon ng POGO sa bayang ito..

Kung sabagay, kung matatayo ang POGO sa bayang ito, malaki ang kikitain nila business taxes, income taxes and other fees na maaring gamitin para sa kanilang mga social services lalo na para sa mga Seniors at indigents?

B.S. talaga! Dapat talagang imbestigahan ang kaganapang ito, na kung saan nabalewala lahat ang mga utang ng mga Lopez! P...
28/05/2019

B.S. talaga! Dapat talagang imbestigahan ang kaganapang ito, na kung saan nabalewala lahat ang mga utang ng mga Lopez! Papaano naging masama si Marcos sa pagkakailit sa ABS-CBN ng DBP, tapos ibinalik ni Cory ng walang bayad. Ngayon lahat pala ng utang nila ay dina pinababayaran. at kanila pa yata ng mga propedades ng mga corporation nila! Ganun na lang ba ito

The Senate is currently investigating behest loans granted by the Development Bank of the Philippines (DBP), and so far the loans to former Trade Minister Roberto Ongpin are at the center of the si…

Address

Paciano
Calamba

Telephone

(049) 306 0091

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 716 Food Products posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 716 Food Products:

Share