26/06/2025
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sa halip na hayaan ang mga mag-aaral na mahirapan sa mga susunod na taon, maiging palakasin ang kanilang pundasyon sa pagbabasa at tiyaking maaabot nila ang kinakailangang antas ng kasanayan.
Paliwanag ng kalihim, ginagamit na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang Beginning of School Year (BOSY) at End of School Year (EOSY) assessments upang matukoy ang mga kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
“Basta ikaw ay nasa below level, ‘yung lowest level of reading comprehension, required ka mag-summer review,” ani Angara, na nangangakong “very supportive ang ating mga alkalde, ang ating mga local governments. Kaya natutugunan ‘yung literacy problems at naiaangat ‘yung learning ng isang bata.”
“Actually nakita namin, very responsive ang mga bata... Mayroong mga paaralan, dalawa o tatlo lang ‘yung papasok sa summer program. So, talagang tutok ‘yung mga teacher sa kanila,” dagdag pa niya.
Bilang tugon sa natuklasan ng DepEd na may ilang g**o na ipinapasa na lang ang estudyante upang makaiwas sa dagdag na trabaho, inayos ng kagawaran ang sistema sa summer classes kung saan hindi na ang regular na g**o ang magtuturo sa mga estudyanteng nangangailangan ng remedial.
Bibigyan naman ang mga g**ong magsasagawa ng remedial classes ng karampatang dagdag na credit o insentibo.