15/03/2026
MAHALAGANG MENSAHE para sa aking malugod na Customer ng FERLOU:
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta
-----
CALACA WATER STATION OWNERS ASSOCIATION
Subject: Pagtaas singil sa bawat galon ng Mineral o Purified Water sa Php 35.00.
Mahal naming mga customers:
Nais po naming ipaalam sa inyong lahat na kami na mga nag mamay ari ng
Water Refilling Station dito sa lungsod ng Calaca at magtataas ng singil sa kada
galon/container ng halagang Php 35.00 simula sa Marso 13, 2026.
Ang limang pisong dagdag singil mula sa 30.00 kada galon ay bunsod na rin
sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Pagtaas ng singil ng kuryente ng Batelec.
2. Pandaigdigang pagtaas ng presyo ng langis at mga produkto nito gaya ng gas,
diesel, atbp.
3. Pagtaas ng presyo ng mga water station supplies gaya ng galon, seals, cap, filters, asin, atbp. Kasama na rin dito ang mataas na presyo ng water dispensers.
4. Pagtaas ng singil para masuri ang kalidad ng tubig at ligtas itong inumin.
5. Pagtaas ng sahod ng empleyado.
6. Pagtaas ng binabayaran sa Business Permit kada taon.
Ilan lamang po ito sa mga kadahilanan sa nais naming pagtaas singil kayat
nakikiusap po kami sa inyong positibong pagtugon sa aming kahilingang ito.
Para po sa inyong kaalaman, ang huling pagtataas ng halaga ng bawat galon
ng inuming tubig mula 25pesos at naging 30pesos ay noong June 1, 2022.
Maraming Salamat po sa inyong buong kooperasyon at malawak na pang-
unawa. Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal.