01/10/2026
Photo not mine! 😁
Natawa lang po ako😅 sa mga baguhan sa customized cake palagi nyo pong tatandaan nagbabayad po kayo hindi sa laki or size ng cake nyo.Customized meaning sa kung anong gusto nyong ipagawa unique para sa inyo pang bukod tangi po. Sumunod na lang po don ung size ng cake. So babayaran nyo po lahat extra icing, extra toppers, extra trabaho namin bilang baker ung oras namin na ibibigay sa pag gawa ng gusto nyo po. Kayo po ba papayag na magtrabaho ng libre? 😅
Huwag palagi ang tanong anong size or malaki na ba yan? Check nyo po agad design nyo. Ung cake nyo po kahit saan kayo umikot o tumingin walang katulad yan. Palaging may pagkakaiba kahit may sinend po kayong peg design or even ung gawa mismo namin. Palaging may unique na sa cake nyo lang meron.
Mahal po kapag may fondant details or toppers mas mahal naman po kung fondant cake na. Napaka tagal po gawin nyan. Letters pa lang halos isang oras na. Pagmasa pa lang po ng fondant ilang minuto na 😅
Please kung hindi po kayo familiar sa Customized mag research po muna kayo anong pinagkaiba ng commercial cakes na nabibili sa market compare sa home baker na lahat ng request nyo ay gagawin po. 😁
Salamat po sa lahat ng aking suki na nagtitiwala at palaging message ay magkano tapos gcash number mag payment na po ako 😁🥰
Love you po! ❤️🥰😇