Laine's CAFE

Laine's CAFE Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Laine's CAFE, Cafe, Purok 1, San Isidro, Cabangan.

17/06/2025
27/05/2025
19/01/2025
14/01/2025
02/10/2023
29/09/2023
28/08/2023

EBANGHELYO NGAYON:

Agosto 15, 2023.

Pagninilay:

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria! Si Maria ay hindi umakyat sa kanyang sariling kapangyarihan at plano. Siya ay iniakyat ng Diyos sa Kanyang dakilang plano at kalooban. Si Maria ay walang sala kaya mas higit na karapatdapat hindi lang kaluluwa ngunit maging ang Kanyang katawan para sa Langit hindi rito sa lupa. Si Maria rin ay ina ng Diyos na nagsilang kay Hesus na Panginoon nating lahat. Ang tatlong katotohanang ito: ang pinaglihi si Maria na walang sala, ang iniakyat si Maria sa Langit, at si Maria ay ina ng Diyos kasama ng isa pang pang-apat na katotohanan na siya ay isang birhen magpakailanman ay ang apat na tinatawag na “Marian Dogmas” na kailangang paniwalaan at hindi maaring hindi, bilang isang Katoliko. Ibig sabihin isa na ito sa mga katotohanang hindi magbabago na naideklara ng Simbahan at kailangan na kailangan para sa ating pananalig.

Ang lahat naman ng pagkadakila at luwalhati na ibinigay ng Diyos kay Maria ay tumutungo sa ating mas malalim na pag-ibig kay Hesus. Walang totoong debosyon kay Maria na natatapos sa kanya lamang, lagi itong papunta sa kanyang Anak, sa ating Tapagligtas, ang Panginoong Hesus. Kaya naman, dahil si Maria ay niluwalhati ng Diyos at iniakyat sa Langit ng Diyos katawan at kaluluwa, Siya ay gugunitain din bilang Reyna ng Langit sa ika-22 ng Agosto. Huwag nating kakalimutang siya ang ating ina – espirituwal na inang pinakaresponsable upang tayo’y maging tulad ni Kristo na nabuo sa Kanyang sinapupunan sa kalooban ng Diyos. Kung gusto nating mapalapit kay Hesus, magawa ang tungkulin natin bilang Katoliko, mahanap ang ating bokasyon at matupad ito – sa buhay pagsisilbi man, relihiyoso o relihiyosa, pagpapari o buhay may-asawa, lumapit tayo kay Maria.

Papatibayin niya ang ating kaloobang sumunod kay Hesus dahil walang ibang pinakamatibay ang loob na sumama kay Hesus sa paanan ng Krus kung hindi siya. Ang kanyang pagka-ina, ang luwalhati niya at posisyon sa Langit ay hindi para lamang sa kanya. Ito’y para sa ating lahat na kanyang hinihintay ding makapunta sa Langit. Gawin natin nating siyang ina ng ating mga buhay upang makarating doon. Dapat nating alam kung anu-ano ang mga kasalanan, ikumpisal ito at iwasan ang mga ito. Tandaan nating dalawa ang ating ina – isa ang nagluwal at nag-alaga sa atin, at isa ang Inang Maria. Gaya ng isang mapagpamahal na ina at higit pa, tayo’y kanyang babantayan, iingatan, susubaybayan at ipapanalangin. Wala siyang hindi ibibigay sa atin.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Maria, aming ina, ipanalangin mo po kami at dalhin kay Hesus. Amen. +

Tungkol sa Dakilang Kapistahan ngayong araw: https://www.ourparishpriest.com/2023/08/dakilang-kapistahan-ng-pag-aakyat-sa-langit-ng-mahal-na-birheng-maria/

Tamang Pananamit sa Simbahan: https://bit.ly/3JNVrWM

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

28/08/2023

EBANGHELYO NGAYON:

Agosto 22, 2023.

Pagninilay:

Mapagpalang Paggunita po sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria! Sa tradisyon ng mga Hudyo, hindi ang asawa ng hari ang reyna. Ang posisyon at karangalan na ito ay napupunta sa ina ng hari. Si Hesus ang ating Hari at si Maria ang ating Reyna at ina. Ngunit mayroon ding higit pa roon. Si Jesus ay nangangaral sa Lucas 11:27-28, “Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Pinagpala ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.” Ngunit sumagot siya [Hesus], “Higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Oo, si Maria ay higit sa lahat pinagpala dahil siya ay walang kasalanan at samakatuwid ay puno ng grasya, hindi katulad nating mga makasalanan na puno ng mga sala. Oo, siya ang piniling Ina ng Diyos, at lahat ng ito ay magkakaugnay. Ngunit hindi lang iyon, pinakinggan din niya ang Salita ng Diyos at tinupad ito. Ipinakita niya ang pananampalatayang mayroon siya. May ginawa siya at iyon ay ang kanyang matiyaga at hindi mabilang na “oo” sa Diyos kahit na sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay at pagiging ina kay Kristo sa paanan ng Krus.
Si Mary ay nagdusa rin, at malubha iyon. Sa katunayan, siya ang higit na nagdusa sa lahat ng sangkatauhan dahil siya ang Ina ng Ipinako sa Krus. Siya ay walang bahid ng kasalanan at ang sala ang naghahati at nagpuputol sa ating relasyon sa Diyos, ngunit wala siyang kahit katiting na bahid nito at samakatuwid, si Maria ay pinakakaisa ni Hesus.

Damang-dama niya ang bawat sakit ng kanyang mga Anak kaya’t ito ang naging pitong patalim sa kanyang puso (Lucas 2:34-35). Dahil sa kanyang dakilang tagumpay laban sa pagdurusa at sakit, sa pamamagitan ng pagtitiis sa lahat bilang isang Ina, siya ngayon ay nakoronahan bilang Reyna ng Langit at Lupa. Siya ay hindi lamang pinili, walang bahid, at pinagpala sa lahat ngunit siya rin ay binigyang-katwiran, pinarangalan, at niluwalhati ng Diyos dahil ang kanyang mga kilos ay napatunayan ang kanyang dakilang kabanalan na kaya nating tularan kung siya ay tunay nating ituturing bilang ating Ina.

Ngayon, bilang Reyna ng Langit at Lupa, nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan upang mamagitan para sa atin at dalhin ang ating mga pangangailangan at mga petisyon sa kanyang Anak na si Hesus. Hindi tayo magkukulang ng anuman kung aalalahanin natin siya bilang ating sariling Ina at higit na lalo na kung tayo rin ay susunod sa landas ni Kristo patungong Golgota at pasanin ang ating sariling mga krus. Nagiging mas magaan ang pasanin kapag nasa tabi natin si Maria. Nagiging matamis ang krus kung handa tayong makasama si Hesus sa gitna ng sarili nating sakit at pagdurusa.

Si Maria ang pinakatiyak na daan patungo kay Hesus dahil siya ang Reyna, Ina, at Birhen na dumurog sa ulo ng sinaunang ahas na diyablo.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Tungkol sa pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria: https://www.ourparishpriest.com/2023/08/pagka-reyna-ng-mahal-na-birheng-maria/

Tamang Pananamit sa Simbahan: https://bit.ly/3JNVrWM

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

28/08/2023

EBANGHELYO NGAYON:

Agosto 25, 2023.

Pagninilay:

Mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Ang tungkol sa mga santo ngayong araw ay mababasa matapos ng pagninilay na ito. Kung iniibig natin ang Diyos dapat ay buong pagkatao. Ngunit maraming beses na sa iba nababaling ang ating atensyon, oras at lakas. Ang lahat ng mayroon tayo, kung ano tayo at ang kaya nating gawin – lahat ito’y dapat para sa mabuti. Ilang beses kaya tayong nagkasala at tinalikdan ang Diyos? Sa isang buong araw na lamang, ilang beses tayong nagkakaroon ng hindi magandang pag-isip? Sapat na ito upang malaman kung gaano tayo kamakasalanan ngunit nakamamanghang bagamat makasalanan tayo ay mahal pa rin tayo ng Diyos.

Tayo ang madalas na kulang sa pananalig kaya hindi natin matanggap ang awa na ito. Sa pagtanggap ng awa na ito, magiging bagong tao tayong muli dahil mas magkakaroon tayo ng lakas na bumangon ulit mula sa pagkakabagsak habang alaalang minamahal pa rin tayo ng Diyos at walang nagbabago. Maari tayong magkumpisal sa Simbahan at dito mabubura ang ating kasalanan anumang araw gustuhin.

Ang pag-ibig sa Diyos ay maipapakita rin sa pamamagitan ng pagsunod. Kung mahal natin ang Diyos, susunod tayo sa Kanya. Susunod tayo na kailangan nating magsimba kapag Linggo, magkumpisal isang beses sa isang taon at marami pa at na kailangan nating tumulong sa kapwa kahit walang kapalit. Balewala ang lahat ng ito sa nagmamahal. Ang mahalaga lang sa kanya ay maging masaya ang minamahal dahil sa kanya. Kaya nga, sino ba ang dapat tulungan? Sino ba ang mga kapitbahay? Iyon ay ang lahat ng tao. Hindi lamang ang mga kauri, hindi lamang ang mga taong gusto natin o kakilala kung hindi lahat dahil iisa tayong pamilya ng Diyos.

Lahat ito’y madaling gawin kapag may pagmamahal ngunit kung inuuna natin ang sarili, mahirap magmahal dahil ang pagmamahal ay maipapakita sa pagbibigay ng sarili. Ibigay natin ang sarili at “oo” natin sa Diyos. Hindi ito masasayang at malaki ang balik sa atin nito. Dahil ang gantimpala natin sa Langit ay hindi mauubos o maagaw ninuman at iyon ay pang walang hanggan.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

San Luis: https://www.ourparishpriest.com/2023/08/san-luis-banal-na-lalaki/
San Jose de Calasanz: https://www.ourparishpriest.com/2023/08/san-jose-de-calasanz-pari/

Tamang Pananamit sa Simbahan: https://bit.ly/3JNVrWM

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Address

Purok 1, San Isidro
Cabangan
2203

Opening Hours

Monday 8am - 9pm
Tuesday 8am - 9pm
Wednesday 8am - 9pm
Thursday 8am - 9pm
Friday 8am - 9pm
Saturday 8am - 9pm
Sunday 8am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laine's CAFE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category