20/12/2023
Magandang gabi po! Nais po naming ipaalam na ang Tatay Rey’s Lechon ay hindi na po muling makakapag operate. Masakit man pong isipin pero si Tatay Rey po ay nasa piling na ng Mahal nating Panginoon. Maraming Salamat po sa lahat ng tumangkilik sa masarap na lechon ng aming yumaong Tatay Rey.
Ang kanyang Urn po ay naka burol sa kanyang tahanan sa Brgy. Purok 6, Sagrada Familia, Hagonoy, Bulacan katabi ng eskwelahan hanggang sa Dec. 26, 2023 and to follow na lamang po ang detalye po sa misa na idaraos sa kaniyang tahanan. Maraming salamat po!.