16/10/2025
Viva Sta Ursula! Di lang basta street party kundi kultura ng Libis! 🎤🔥 Sama-sama tayo Rekta sa Libis, suportahan lokal, at iangat ang sariling atin! 💪
Handa ka na ba sa pagbaha ng saya?💦🔫
Ngayong October 21, 2025, lahat ay patungong Barangay Libis para sa pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Ursula, muling magsasama ang mga taga-Libis, lokal na talento ng Binangonan, at mga kabataang artista at musikero sa isang selebrasyong bumubuhay sa diwa ng ating bayan.
Ang Rekta sa Libis: Street Party ay hindi lang event — ito ay panata ng pagkakaisa at patunay na ang ating kabataan at lokal na sining ay patuloy na lumalago. Isang street party na hindi lang sayawan at tugtugan, kundi pagtitipon ng komunidad.
Sa pangunguna ng Barangay libis , Binangonan Rizal, at Mahal Kong Binangonan, katuwang ang Parika Kalye Sining, Sa Libis. Restobar, at ang mga lokal na negosyong sumusuporta sa sining at kabataan, magkakasama tayong bubuo ng isang masaya, mapayapa, at makabuluhang selebrasyon!
Tubig ang daloy, musika ang ritmo —
dito sa Libis, lahat ng agos ay kasiyahan! 🌊
Parika! Rekta na sa Libis!