21/03/2020
Kumusta kayo mga ka-Unli Rice peeps? Para sa mga gustong ma-stretch ang kanilang budget ngayong panahon ng Community Quarantine, heto ang ilang mga putahe na pwede nyong lutuin na di agad masisira para mas matagal ninyong makokunsumo:
1. Adobo (lutuin mabuti sa s**a para magtagal.)
2. Daing na bangus (bumili sa palengke ng bangus, ipa-boneless mo na at ipahati sa gitna. Ibabad sa s**a at madaming bawang!) 😍
3. Paksiw (pwedeng isda o pata kung nakaka-LL ka. ) 😁
4. Home-made tapa/tocino (Tingnan sa youtube ang recipe at paraan ng paggawa. Mas makakatipid kung gagawa ng home-made. Maii-stock mo pa sa ref ng matagal kaya di mo kailangan lumabas lagi para bumili.)
5. Home-made sardinas (Youtube is the 🗝. Mas mura if ikaw ang gagawa sa bahay kesa de lata.)
Ilagay sa mga container at ilagay sa ref. I-divide depende sa kung ilang araw na pangbudget ang mga ulam. Lagyan ng label ang container para madaling makita.
Paalalahanan din ang mga kasama sa bahay na pagkain iyan para sa quarantine, hindi pang picnic. 😁
Ingat po tayong lahat! PRACTICE SOCIAL DISTANCING! WASH YOUR HANDS, WEAR MASK and always DISINFECT YOUR HOMES.