09/05/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa DC Brews Café sa pagiging isa sa aming mga sponsor para sa Bingo Bonanza ng Batang Kampanaryo - New Generation! 💚
Ang inyong suporta at kabutihang-loob ay malaking tulong upang maging matagumpay at mas masaya ang aming programa para sa nalalapit na Fiesta ng Barangay San Antonio. Maraming salamat po sa inyong tiwala at pakikiisa sa aming adhikain para sa komunidad.
Nawa’y pagpalain pa po kayo ng mas marami pang biyaya. Maraming salamat po! 🙏