22/06/2026
๐ข PAALALA AT BABALA SA PUBLIKO ๐ข
Nais po naming ipabatid sa lahat na ang aming business contact number ay ginamit bilang "co-maker" o reference sa isang lending application nang wala ang aming kaalaman at pahintulot.
โ ๏ธ Hindi po kami konektado o may anumang kaugnayan sa taong gumamit ng aming numero. Hindi rin kami nagbibigay ng pahintulot na gamitin ang aming business number sa anumang loan o lending transaction.
Kung sakaling makatanggap kayo ng mga tawag o mensahe mula sa mga lending companies tungkol sa naturang tao, maari po ninyong ipaalam na wala kaming anumang pananagutan o kaugnayan sa kanyang loan application.
Ginagawa rin namin ang post na ito upang magbigay ng babala at awareness sa lahat ng business owners, establishments, at maging sa mga gumagamit ng personal contact numbers. Siguraduhing hindi ginagamit ang inyong mga numero bilang reference o co-maker nang walang inyong pahintulot, dahil maaari kayong makatanggap ng paulit-ulit na tawag, text, o pagbabanta mula sa ilang lending apps.
๐ Paalala sa lahat: Ang paggamit ng contact number ng ibang tao o negosyo nang walang pahintulot ay hindi tama at maaaring magdulot ng abala at pinsala sa mga inosenteng indibidwal o negosyo.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.