05/10/2026
Happy Teachersday!!!!
Taos-puso ang aming pagbati at pasasalamat sa ating mga minamahal na G**O. 👩🏫👨🏫
Maraming salamat po sa inyong walang sawang dedikasyon, sakripisyo, tiyaga, at pagmamahal sa ating mga batang mag-aaral. Kayo po ang katuwang naming mga magulang sa paghubog ng kanilang kaalaman, pangarap, karakter, at magandang kinabukasan.
Salamat sa bawat oras na inyong inilaan, sa bawat batang inyong pinaniwala, at sa bawat pangarap na inyong tinutulungang maabot. ❤️
Hindi man namin kayang tumbasan ang lahat ng inyong sakripisyo, buong puso naming sinasabi:
SALUDO PO KAMI SA INYO! 🙏👏
Maraming maraming salamat po sa inyong paglilingkod at pagmamahal sa ating mga anak.
🎉 HAPPY TEACHERS’ DAY PO SA LAHAT NG ATING MAHAL NA G**O! 🍎📚❤️