13/11/2022
Kita kits mga ka-PARES 😁
Yeeeeyyyyyy🎅🤶
HO‼️HO‼️ HO‼️
'TIS THE SEASON TO BE JOLLY!🎄🎄🎄
'TIS THE SEASON TO BE HAPPY!⛪️⛪️⛪️
Lapit na naman po ang TINDANG GABI mga Kababayan!
"Bakit ka pa lalayo, kung pwede naman dito"
-Maam Anne
"Hello Anne, nabasa ko un post mo gusto ko din un Night Market na un para mas sumaya sa munisipyo😍." - Maam Emy
Sa mga katagang iyan po nagsimula ang ating "TINDANG GABI" taong 2021, nag isip po kami ng mga paraan kung paano ito masisimulan at ang pangarap po naming ito ay nagkatotoo dahil sa sa suporta at pagmamahal ng ating Mahal na Ina ng Bayan Imee C. Llado - De Guzman.
Kaya naman po, ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta ay walang hanggan, kung hindi po dahil sa kanila ang lahat po ng ito ay mananatiling panaginip lamang.
Salamat po sa mga Department Heads na aming inabala upang matuloy ito, sa Treasurer's Office, sa Licensing Office, sa MDRRMO, sa Engineering Office, sa Agriculture Office, sa buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Vice Mayor Jhelyn Domingo Velasco at sa ating Konsehala Angge Paulino lalong lalo na po sa ating Admin Office sa pamumuno ni Admin Baby Boy De Guzman.
Gayundin po syempre sa pamunuan ng Tindang Gabi - Officers and Members.
At sa inyo po mga kababayan na patuloy na tumatangkilik sa ating programa!!!
Napakalaking bagay po ng Tindang Gabi, tulad po ng lagi naming sinasabi... ito ang naging hudyat ng pagbangon ng ating mga Tinderello at Tinderella na nawalan ng kita sa panahon ng pandemya.
MABUHAY BAYAN NG SANTO DOMINGO‼️
MABUHAY Tindang Gabi Sa Sto. Domingo