26/04/2026
Meet BABA & GAGA❤️
Meet the Faces of the Grill: BABA & GAGA! 🍔
Panahon na para kilalanin ang dalawang pinaka-bibo at pinaka-cute na miyembro ng aming pamilya—ang aming official ambassadors, sina Baba at Gaga! 🤩
Sina Baba at Gaga ang simbolo ng saya, bonding, at siyempre, ang hindi matatawarang sarap ng ating signature grilled burgers. Sila ang nagdadala ng buhay at kulay sa bawat kagat at bawat tawa na nararanasan ninyo sa tuwing kasama ang Baga Burger.
Bakit nga ba sila ang ating 'Game Changers'?
Baba: Ang ating laging ready at masipag na bida, sumisimbolo sa dedikasyon natin na magbigay ng de-kalidad at mainit na burger sa inyo.
Gaga: Ang laging nakangiti at puno ng energy, nagpapaalala na sa bawat kainan, dapat laging puno ng saya ang bawat isa!
Kahit saan man sila mapadpad—sa mga special events o sa mga hindi inaasahang pagkakataon—dala-dala nila ang pangako ng Baga Burger: Ang tunay na sarap ng grilled, hindi lang basta prito! 🔥
Kaya naman sa susunod na makita niyo ang ating iconic duo, huwag mahiyang bumati at makipag-selfie! Sila ang inyong magiging katuwang sa paghahanap ng pinaka-sulit at pinaka-malinamnam na Buy 1 Take 1 Grilled Burger sa bansa - ang BAGA Burger!
Tuloy-tuloy lang ang saya, at tuloy-tuloy lang ang sarap kasama sina Baba at Gaga! ❤️🍔