06/06/2025
📌 MAHALAGANG ABISO PARA SA AMING MGA MINAMAHAL NA CUSTOMER
Isang taus-pusong pasasalamat ang nais naming iparating sa lahat ng patuloy na sumuporta at nagtiwala sa ating SILOG MEALS sa mga nagdaang buwan.
Ipinababatid po namin na ang aming tindahan ay wala pa pong tiyak na petsa ng pagbabalik. Ang desisyong ito ay bunga ng masusing pagninilay at mga mahahalagang kadahilanang kailangang bigyang-pansin.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong suporta at pagtangkilik. Hangad po naming muling makapagsilbi sa inyo sa tamang panahon, sa mas maayos at mas pinahusay na paraan.
Samantala, kami po ay humihiling ng inyong pang-unawa at patuloy na panalangin para sa susunod naming mga hakbang.
MARAMING, MARAMING SALAMAT PO MGA MAHAL NAMING SUKI! SA MULING PAGKIKITA!♥️