22/03/2025
Alam mo kung ano ang totoong nakaraos kana sa buhay?
♡ Yung dating nanghihingi kalang, ngayon ikaw na ang nagbibigay.
♡Yung dating nangungutang kalang, ngayon ikaw na ang nagpapautang.
♡Yung nanghihiram kayo ng bigas para may maisaing. ngayon nakakabili na kayo ng isang kaban.
♡Nakafan lang kayo nuon, ngayon naka aircon na kapag matutulog.
♡Dati nakikilagay lang kayo sa ref nuon, ngayon may ref na kayong malaki na puno ng stock.
♡Dati 3 times lang kayo nakakain nuon. Ngayon kahit anung oras munang gustohin kasi affort muna.
♡Yung dati nakikita mo lang na kumakain sa jollibee ay pangmayayaman. Ngayon kahit anung oras muna gustuhin kumain.
♡Nagkukusot kalang nuon. Ngayon may washing machine kanang automatic pa.
♡yung mga lugar nuon na nakikita mo lang. Ngayon kaya munang puntahan.
♡Yung dati nagtsatsaga ka sa sapatos at tsenelas mo nuon na sira sira . Ngayon marami kanang klase at may pagpipilian pa.
♡dati mga pinagliitan na mga damit ang hinihintay mong ibigay sayo, ngayon nakakabili kana ng brandnew at kahit ilan pa.
♡dati nakikinuom lang kayo nuon sa kapitbahay. Ngayon may flat screen tv na kayong pagkalaki laki at may pangkaraoke set up pa.
♡dati nakatingin kalang sa mga may celphone nuon. Ngayon naka i-phone kana.
Maraming nang bagay ang nabago ngayon.
Patunay na. Umuusad ang buhay ng taong nagususmikap.
Ang kailangan mo nalang gawin ay maging makontento, enjoy life. Dahil maikli lamang ang buhay.