12/04/2023
Entry no. 1
SPOTLIGHT | BSBA HRM
"Ako si Kristina, may panahon na hindi ko naaalala ang mga nangyayari sa akin. Sabi nila, may ginagawa akong ibang-iba sa Kristina na kilala nila. Pero tinigil nilang sabihin sa akin 'yon, dahil parte daw 'yun ng paggagamot ko. Hindi ko kontrolado ang sarili ko. Malabo, sobrang labo ko. May panahon na hindi ko alam kung bakit nandoon ako sa lugar na yun o anong ginagawa ko doon. Sabi ng doctor, hindi pa nila natutukoy kung bakit ganoon ako, kung sakit ba 'to o nababaliw lang talaga ako? Sino nga ba si Kristina?”