31/08/2026
Nakakagalit. Habang ang mga ordinaryong Pilipino ay lubog sa baha, nawawalan ng kuryente, nasisira ang bahay at kabuhayan, nakakaya pa ng mga nasa kapangyarihan na MAGPARTY, KUMANTA at MAGSAYA na parang walang nangyayaring sakuna sa mga taong kanilang sinasakupan.
Pinagtatakpan man ang isyu ng flood control, hindi kayang pagtakpan ng propaganda ang realidad. Sa bawat baha, mas maraming nagtatanong: Nasaan ang pondo? Nasaan ang flood control? At sino ang mananagot?
Ang hirap pang paniwalaan ng isang presidente kung sa pananalita pa lang, siya mismo ay hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Sa panahon ng sakuna, hindi kanta, party at palusot ang kailangan ng bayan. Kundi malinaw na pamumuno, aksyon at pananagutan.
Normal ang ulan, pero hindi normal ang baha. Kapag paulit-ulit na lumulubog ang mga komunidad, hindi na lang ito tungkol sa kalikasan. Panahon nang tanungin kung saan napupunta ang pondo at kung bakit paulit-ulit na ordinaryong Pilipino ang nagbabayad ng presyo.
Ang kalikasan maaaring hindi natin kontrolado. Pero ang korapsyon at kapabayaan ng gobyerno, may dapat managot.
Ngayon,
Kung hindi ka parin galit, BAKIT???