12/02/2026
ISANG MAS MAAYOS NA ANTIPOLO ANG KAYA NATING ITAYO
Naniniwala ako na ang Antipolo ay isang lungsod na may malaking potensyal.
Isang lungsod ng MASISIPAG NA PAMILYA, MASISIKAP NA MANGGAGAWA at KABATAANG PUNO NG PANGARAP.
Hindi tayo narito para magturo ng sisi.
Nandito tayo para maglatag ng solusyon at magtulungan.
Ang direksyon ng aking paninilbihan ay simple at malinaw:
isang Antipolo na MAAYOS, MAKATAO at may PANGMATAGALANG PLANO.
MAAYOS NA PAMUMUHAY:
Isusulong natin ang maayos na urban planning—mga kalsadang inaayos nang tama, proyektong tumatagal, at imprastrakturang pinag-isipan para sa susunod na henerasyon, hindi lang para sa ngayon.
SERBISYONG PANGKALUSUGAN NA TOTOONG ABOT KAMAY:
Karapatan ng bawat Antipoleño ang maayos, mabilis, at dekalidad na serbisyong medikal—lalo na ang mga BATA, SENIOR CITIZENS, PWDs at mga pamilyang kapos sa buhay.
Palalakasin natin ang sistemang pangkalusugan sa ating lungsod sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang moderno, kumpleto sa kagamitan, at maayos na pampublikong ospital sa District 2. Isang ospital na may sapat na DOKTOR, NARS, GAMOT, at makabagong pasilidad upang hindi na kailangang bumiyahe pa sa ibang lugar para lamang magpagamot.
Titiyakin nating may agarang at abot-kayang lunas para sa bawat pamilya—dahil ang kalusugan ay hindi dapat ipinagpapaliban o ipinagkakait.
Sa maayos na pamamahala at tunay na malasakit, sisimulan natin ang pagbabagong magbibigay ng seguridad at kapanatagan sa bawat tahanan.
MGA PANGUNAHING PROGRAMA:
1️⃣ Pagtatayo ng Modernong Pampublikong Ospital sa District 2
Kumpleto sa kagamitan at makabagong pasilidad
Sapat na DOKTOR, NARS at HEALTH WORKERS
24/7 emergency services
Abot-kayang laboratory at diagnostic services
2️⃣ Mobile Clinics sa mga Barangay
Regular medical missions
Libreng check-up at basic laboratory
Vaccination at health monitoring
Serbisyong diretso sa komunidad
Ilalapit natin ang serbisyong medikal sa mismong barangay.
3️⃣ Libreng Gamot at Maintenance Medicine Program
Para sa seniors, may chronic illness, at indigent families
Maayos na database at tuloy-tuloy na supply
Hindi na kailangang mamili kung pagkain ba o gamot
4️⃣ Pinalakas na PhilHealth & Medical Assistance Desk
Tulong sa pagproseso ng PhilHealth at government medical assistance
Mas mabilis na pag-release ng tulong
Walang palakasan—pantay na serbisyo
🐾 ANIMAL WELFARE PROGRAM
Bilang isang rescuer, alam ko ang tunay na kalagayan ng mga hayup sa lansangan, mga a*o at pusang may sakit, nasasaktan at walang malapitan kaya personal ko itong isusulong 💜
🏥 PAGTATAYO NG ANIMAL HOSPITAL SA ANTIPOLO
Lalo na para sa stray at abandoned animals
Low-cost o libreng gamutan para sa rescued animals
Vaccination at spay/neuter programs
🐶 CITYWIDE SPAY & NEUTER + ANTI-RABIES CAMPAIGN
Regular barangay-based operations
Makatao at sistematikong solusyon sa overpopulation
📚 RESPONSIBLE PET OWNERSHIP EDUCATION
Partnership sa schools at barangays
Community awareness programs
Dahil ang malasakit ay hindi lang para sa tao—kundi para sa lahat ng may buhay.
💜 ANG LUNGSOD NA MARUNONG UMALAGA SA HAYUP AY LUNGSOD NA MARUNONG DING UMALAGA NG TAO at ANG AMING PANININDIGAN:
Ang KALUSUGAN ay hindi PRIBILEHIYO-ito ay KARAPATAN.
At ang MALASAKIT ay hindi SALITA—ito ay GINAGAWA!💜
OPORTUNIDAD SA TRABAHO AT KABUHAYAN:
Ang kaunlaran ay dapat nararamdaman sa bawat tahanan. Suportado natin ang maliliit na negosyo, kasanayan para sa trabaho, at mga programang magbibigay ng disenteng kabuhayan dito mismo sa Antipolo.
EDUKASYON AT KINABUKASAN NG KABATAAN:
Mag-iinvest tayo sa edukasyon—sa SCHOLARSHIP, TRAINING, at SUPORTA—upang ang kabataan ay maging handa sa mas malaking mundo at mas maliwanag na bukas.
PAMAHALAANG MALINIS AT BUKAS:
Isusulong natin ang TRANSPARENCY, MAAYOS NA PAGGAMIT NG PONDO, at PAMAHALAANG NAKIKINIG. Ang tiwala ng tao ay pinangangalagaan sa pamamagitan ng TAPAT NA SERBISYO.
Ang TUNAY NA LIDERATO AY HINDI NASUSUKAT SA HABA NG PANUNUNGKULAN, KUNDI SA LINAW NG DIREKSYON AT LALIM NG MALASAKIT.
Ang ANTIPOLO ay may KINABUKASAN—isang kinabukasang may PUSO, may DISIPLINA at may MALASAKIT.
SERBISYONG RAMDAM
PAMUMUNONG MAKATAO
PARA SA ANTIPOLO