15/03/2024
Hello everyone, magandang araw po. Sana po lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan. Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na sobrang nagpapasalamat po kami sa inyong mga suporta at pagtangkilik sa aming mga produkto. Mangyari lang po na nagkaroon po ng pagpupulong nitong nakaraang araw lamang kung saan ipinaliwanag na magkakaroon po ng nalalapit na Road Rehabilitation dito sa Baytown Road na magtatagal po ng mahigit sa kalahating taon. Gustohin man po naming magpatuloy na magserbisyo sa inyo, ngunit ito po ay magiging mahirap lalo na po na dalawa sa mga bumubuhay sa aming tindahan ay ang online deliveries at ang mga dumadayong customers para kumain. Kami po ay pansamantalang titigil ngunit hindi po tayo susuko. Abangan po natin ang mga sususnod na update. Maraming salamat po and God bless us all.