22/05/2026
Libreng Bunot ng Ngipin at Dental Consultation
Serbisyong publiko para po sa mga residente ng Barangay Tabun at ng mga kalapit na barangay.
Meron pong "Libreng Bunot ng Ngipin at Dental Consultation" sa May 29 and 30, 2026, mula 9:00 AM hanggang 1:00 PM, sa Angeles Central City Church (ACCC).
Ang gawaing ito ay resulta ng pakikipagtulungan ng Angeles Central City Church at Barangay Tabun para sa mga residente ng ating komunidad bilang bahagi ng paglilingkod at malasakit sa kalusugan ng lahat.
Sa mga gustong magpabunot ng ngipin, kailangan ninyong magparehistro muna. Maaari po kayong mag-message dito sa page ng Angeles Central City Church. Ilagay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan:
Contact No:
Araw:
Oras:
Mga araw at oras na pagpipilian:
May 29 and 30 (Friday and Saturday)
9:00 to 10:00 AM
10:00 to 11:00 AM
11:00 to 12:00 PM
12:00 to 1:00 PM
Limited slots are available, kaya po i-rehistro niyo na po ang inyong pangalan. Kapag puno na ang listahan, tatanggalin na po namin ang anunsiyo na ito.
Ang Angeles Central City Church ay matatagpuan sa: https://share.google/f3tOR9GMSvAd4TSqP, katabi po ng Twelve Baskets Bakery and Cafe.