25/03/2026
‼️AWARENESS POST‼️
📅 March 24, 2026
Para sa dalawang babaeng “plantita” na napadaan sa aming tindahan kagabi. Dalawang rubber tree po ang napili niyong iuwi—isa bandang 10PM, at mukhang nagustuhan pa ninyo kaya binalikan ninyo ulit ang isa ng 11PM. May naiwan pa po kayong isang paso, baka sakaling balikan ninyo rin.
Halaman lamang ito at maaaring mapalitan, pero hindi natin alam kung hanggang saan ang kaya nilang gawin kung hindi ito mapapansin.
Maliit man o malaki, pagnanakaw pa rin po ‘yan.
Kung may nakakakilala man po sa dalawang ito, mangyaring pagsabihan sila na hindi maganda at tama ang kanilang ginawa.
Ingat po tayo at maraming salamat po!