02/09/2026
Nais mo bang dalhin ang iyong negosyo sa online world?
Inihahandog!
Inaanyayahan ang lahat ng ating mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Angat, Bulacan na dumalo sa MSME Website Creation Training ng Department of Information and Communication Technology (DICT) Region III katuwang ang Pamahalaan ng Bayan ng Angat.
Ang layunin na pagsasanay na ito ay matulungan ang ating lokal na negosyante na mapalawak ang kanilang kaalaman sa digitalization at mapalago ang kanilang Negosyo sa tulong ng Modernong Teknolohiya.
Bukas din ito sa lahat kahit wala pang kasalukuyang negosyo.
Kailan: September 11, 2026
Oras: 1:00pm
Saan: via Google Meet
Tagapagsalita: DICT Region III
Mga Paksa at Tampok na Gawain:
Mga pinakabagong uso at kaunlaran sa teknolohiya (Latest trends in Technology)
Mga payo at estratehiya mula sa mga eksperto (Expert insight and Strategies)
Bukas na talakayan para sa mga katanungan (Live Q&A session)
Mag rehistro na sa pamamagitan ng pag scan ng QR code sa poster o i-click ang link na ito: http://bit/MSMEsUpskilling
Sama- sama nating palaguin ang negosyong Angat!