31/07/2025
Sa nagdaang dalawampu't pitong buwan ay inyong sinamahan ang ating munting tahanan sa pagsaksi sa bawat bukang liwayway at dapithapon ng mga araw. Sa inyong mainit na pagmamahal at yakap ay nabuo ang kuwento, pangarap, pagkakakilanlan, at munting komunidad ng Café Casborran.
Ikinalulugod naming kayo ay mapagsilbihan sa nakalipas na dalawang taon gayundin ang kayo'y masamahan at mapakinggan sa inyong mga kaniya-kaniya kuwento, pangarap, at pahinga sa tuwing kayo ay nagmumuni sa ating munting tahanan.
Bagamat ito ay pagpapaalam, ito ay hindi ang huli nating pagtatagpo. Ang aming puso at suporta sa sining at kultura, sa ating komunidad, at sa lokal na kultura at industriya nang pagkakape ay patuloy na mananatiling dumadaloy at nag-aalab.
Sa bawat tagatangkilik na bumuo at nagbigay-buhay sa komunidad ng munting kapehan , mga lokal na manlilikha ng sining na naghatid ng kulay sa aming mga dingding, mga supplier na nagbigay-lasa sa Café Casborran, at sa Gusali ng Rivera na nagsilbing aming tahanan, taos-puso at walang hanggang pasasalamat.
Sa ngayon, ang ating munting kapehan ay pansamantala munang magpapahinga. Kaloob ng panahon, pagkakataon, at ng Panginoon, ang ating munting kapehan at tahanan ay muling magbabalik.
Nagmamahal,
CAFÉ CASBORRAN