30/08/2026
🫂 YAKAP SA LAHAT NG BUSINESS OWNERS THIS AUGUST.
Bagyo. 🌧️
Matumal na benta. 📉
Mga repairs na biglang kailangan. 🔧
Tumataas na presyo ng supplies. 📈
Bills, payroll, renta… tuloy-tuloy kahit mahina ang kita. 🥹
Minsan, hindi na lang negosyo ang iniisip mo—
pati kung paano mo pagkakasyahin lahat.
Pero kung hanggang ngayon, binubuksan mo pa rin ang negosyo mo,
lumalaban ka pa rin, at ginagawa mo pa rin ang best mo…
Proud ka dapat sa sarili mo. 🤍
Hindi man perfect ang August,
sana matapos natin itong buwan na mas matatag kaysa noong nagsimula tayo.
Yakap sa lahat ng small business owners. 🫂
Hindi tayo susuko. Laban lang. 🙏✨