24/09/2025
See you guys!๐
#๐๐๐ฒ๐๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐ฉ๐จ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ, ๐๐๐ญ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐. ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ฉ๐๐ฆ๐๐ง, ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ญ-๐ค๐๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ฅ๐๐ง, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ก๐ข๐๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฌ (๐๐๐๐ฌ) ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐ฅ๐๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฐ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ฎ๐ฉ๐๐ง.
Ayon sa PAGASA, nananatili pa rin sa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang ating Lalawigan bunsod ng habagat. Inaasahan bukas ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, naging ganap nang Severe Tropical Storm ang Bagyong Opong na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Bagamaโt hindi direktang apektado ang Bataan, pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sapagkat ang habagat ay patuloy na magdudulot ng pag-ulan.
Hinihikayat ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso ukol sa lagay ng panahon at mga anunsyo hinggil sa posibleng suspensyon ng klase.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.