14/09/2026
Magandang araw po sa ating lahat! ❤️
Ako po si Pinky, ang naka-assign sa pamamahala ng 3 Tita’s Kitchen tuwing araw ng Linggo.
Nais ko lang po sanang magbigay ng kaunting paliwanag tungkol sa aming operasyon, lalo na po tuwing Linggo. Dahil sa dami ng aming customers at haba ng pila, may mga maliliit na problema po talaga na hindi natin minsan maiiwasan.
Sa dami po ng customers, 6 na staff ang naka-assign sa 3 Tita’s Kitchen:
• 2 taga-luto
• 2 taga-serve
• 2 taga-hugas at taga-punas ng mga pinggan
(Hindi pa po kasama dito ang staff ng Bahaghari Store.)
Sa oras po na 11:00–14:00, kadalasan ay sobrang dami ng customers kaya nahihirapan po kaming maayos na ma-manage ang flow ng mga pumapasok, nagpapaupo, kumakain at naghihintay. Pagkatapos po ng 14:00, medyo nababawasan na ang tao at mas nagiging maayos ang daloy.
Kaya naman po, napag-usapan namin na sa near future, bago matapos ang taon, palawakin ang aming eating area at dagdagan ang aming buffet corner upang mas marami pa po tayong ma-accommodate nang mas maayos.
Habang pinag-uusapan at inaayos pa po namin kung paano ito maisasagawa, nakikiusap po muna kami na walang reservation tuwing Linggo. Ayaw po namin na magkaroon ng reservation habang may mga customers na maagang pumipila at naghihintay, dahil baka maging unfair po ito sa mga naunang dumating.
Sa halip po, magbibigay kami ng number at iyon po ang susundin sa pagpapaupo ng customers para maging patas sa lahat at maiwasan ang unahan.
Sa aming part naman po, lalo pa naming pagbubutihin ang aming serbisyo. Patuloy po naming ihahanda ang mga simpleng lutong-bahay na pagkain na nami-miss nating mga kababayan, sa abot ng aming makakaya—at hangga’t maaari, walang pagtaas ng presyo. ❤️🇵🇭
Maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pang-unawa at pagtangkilik sa 3 Tita’s Kitchen. 🙏❤️
At kung mayroon po kayong reklamo, suggestion, o anumang bagay na sa tingin ninyo ay makakatulong upang mas mapabuti namin ang aming serbisyo, makikinig po ako.
Hindi man po kami perpekto, sisikapin po naming maging mas mahusay araw-araw.
Maraming salamat po ulit sa inyong suporta at pang-unawa! ❤️🙏