15/09/2026
🥹❤️ MULA SA MUNTING KUSINA… HANGGANG SA PANGARAP NA MAXIMUS HAVEN❤️🍽️
Noong kasagsagan ng pandemic 2020 , bahay lang ang aming kusina. 🏠
Nagluluto kami araw-araw at nagde-deliver para kahit nasa bahay kayo, maabot ninyo at matikman ang aming lutong-bahay na puno ng pagmamahal di inalintana ang kapahamakan ng virus isa lng nasa isip nmin noon na maraming tao di makalabas ng kanya mga tahanan dahil s takot at pangamba pero ang LUTONG BAHAY di nagpatinag ginawa nmin kayo aming abutin ng aming masasasap na lutuin 👩🍳❤️
Noon, pangarap lang namin na magkaroon ng sariling lugar kung saan kami mismo ang makakapagluto para sa inyo. 🙏
Maraming pagsubok, pagod, at mga araw na hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng pangarap na ito… pero hindi kami sumuko. 💪❤️
At ngayon… 🥹✨
Ang dating lutong-bahay na niluluto lamang namin sa maliit na kusina, maaari na naming ihain sa inyo dito sa Maximus Haven Restaurant. 🍽️❤️
Hindi man naging madali ang journey, masasabi namin ngayon na:
“Ang dating pangarap lang… ngayon, unti-unti nang nagiging realidad.” 🥹🙏
Salamat sa lahat ng sumuporta sa amin mula noong pandemic hanggang ngayon.
Sa bawat order, bawat bisita, bawat recommendation at bawat salita ng suporta—malaking bahagi kayo ng kwento ng Maximus Haven. ❤️
🏠 Noon: Lutong-bahay at delivery
🍽️ Ngayon: Maximus Haven Restaurant
❤️ Pareho pa rin: Lutong may puso at pagmamahal.
Mula sa aming tahanan, papunta sa inyong hapag… at ngayon, kami naman ang naghihintay sa inyong pagdating. 🥰🍽️
🙏❤️ Thank you for being part of our dream. Welcome to Maximus Haven! ❤️🙏