19/09/2024
One of the tools we use sa aming business is this app called Freeform. We use this app to create simple tier mock up and pricing models.
Super helpful talaga ang Freeform app sa paggawa ng cake model. As in, sobrang dali gamitin—kahit hindi ka techie, kaya mong mag-design ng cake na gusto mo. In just a few clicks, pwede mo nang i-customize ang colors, shapes, at decorations. Kung may gusto kang baguhin, drag and drop lang, thast it!
Ang pinaka-gusto namin dito, sobrang dali para sa customers namin na i-visualize agad yung cake nila. Di na kailangan mag-imagine lang—makikita na nila kung anong itsura ng cake at kung magkano ito. Madali din makita yung breakdown ng pricing kaya klaro agad kung saan napupunta yung bayad nila.
Bukod sa mas mabilis ang design process, mas madali din ma-approve ng customers yung orders nila kasi kita na nila yung exact design. Less hassle, more happy clients! 🎂
Hindi ba ang saya kung pwede mo nang ipakita sa customer ang comparison ng mga sizes ng cake bago pa sila mag-order?
By the way, plan ko pa mag-share ng iba pang business tools na ginagamit namin.
If your curious what are using, comment lang below! Kung may questions ka or may topic na gusto mong pag-usapan ko next, just let me know! Thanks!