27/01/2026
SILENT PNEUMONIA AWARENESS FOR BABIES | PLEASE READ‼️
Hindi namin inakala na ganito ang mangyayari,
dahil napakalusog ng anak ko at very active / aggressive siya.
Wala siyang history ng sakit, masigla, at malakas.
December 19, pina-check up namin ang anak ko dahil nilalagnat siya.
So far, wala namang nakita ang doctor at wala rin siyang ubo that time, kaya we thought okay lang. at gumaling naman siya at masigla naman siya
December 30, bigla siyang inubo parang normal na ubo lang.
Walang sign na seryoso na pala.
January 1, around 10:00 PM, bigla siyang bumilis huminga at parang hinihingal.
After a few minutes, bigla siyang nag-violet.
Doon na kami kinabahan at agad naming sinugod sa hospital.
January 2, 1:00 AM nasa ER na kami.
6:00 AM, na-admit siya at inakyat na sa room.
Tapos na lahat ng x-ray at laboratory, pero wala pa ang results. So waiting nalang
3:00 PM, chineck siya ng doctor and sinabi na parang okay na siya.
Pero 4:30 PM ng January 2,
bigla na lang siyang hindi gumalaw at hindi na huminga.
Pinatawag namin agad ang doctor at mga nurse at nagulat din sila dahil akala ni doc at kame is okey okey na siya dahil parang bumabalik ang sigla niya … ginawa nila ang lahat,
pero wala na talaga…
5:00 PM — time of death.
AT YANG XRAY NAYAN KUNG KELAN SYA NAMATAY SAKA BINIGAY SAMIN YANG RESULT SA XRAY AT SAKA NAMIN NALAMAN
TINANONG NG DOCTOR ANG MGA NURSE NASAN BA XRAY NITO PWEDE MAKITA AT AYUN DUN PALANG NILA NALAMAN AT NAKITA ANG RESULT SAPAG KAMATAY NIYA … SA SOBRANG TAGAL KAYA GANTO RIN NANGYARE PERO HINDI NATIN SILA MA BLAME KASI NGA NANGYARE NA 🥺 PERO SA 3DAYS NA UBO LANG NYA GRABE NA PALA ANG BAGA NIYA NA AKALA NAMIN NORMAL LANG NA UBO AY HINDI NA PALA ANG HIRAP TANGGAPIN DAHIL SA SOBRANG BILIS NA PANGYAYARE 😭 MALAKAS NAMAN SIYA UMINOM NG TUBIG PERO NA DEHYDRATE PARIN SIYA..
Ito ang cause of death niya:
Respiratory Failure secondary to Pediatric Community-Acquired Pneumonia
with Massive Pleural Effusion (Left)
Acute Gastroenteritis with Moderate Dehydration
Sa simpleng salita:
Nagkaroon siya ng pneumonia na tahimik pero mabilis lumala.
Nag-ipon ng maraming fluid sa baga, kaya hindi na siya makahinga.
Mas pinahina pa ang katawan niya ng dehydration at gastroenteritis.
Hindi lahat ng pneumonia ay may malinaw na senyales.
Hindi lahat ay may ubo agad.
At minsan, kahit akala mo ay okay na… hindi pala.
I’m sharing this not to scare anyone,
but for awareness, especially sa mga magulang.
Kahit healthy at malakas ang bata,
puwedeng biglang umatake ang pneumonia.
Please also avoid:
• 🚭 Paninigarilyo sa paligid ng bata (secondhand smoke)
• Madalas at matagal na pagbabad sa aircon, lalo na kung malamig at walang pahinga
🏠 Saradong lugar:
• kulob na kwarto
• madalas na aircon
• kulang sa bentilasyon
May mga bata na walang ubo o sipon sa umpisa, pero may impeksyon na pala sa loob ng baga.
Maliliit na bagay ito, pero malaking epekto sa baga ng bata.
If your child has fever, cough, mabilis na paghinga, or hingalin,
please don’t ignore it. Magpa-check agad.
Bilang isang ina, sobrang sakit.
Walang araw na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung bakit ganito kabilis.
Pero ibinabahagi ko ito hindi para manakot,
kundi para makapagpaalala at makapagligtas ng ibang bata.
Please, sa lahat ng magulang:
Huwag balewalain ang lagnat na paulit-ulit
Kapag bumilis ang paghinga o parang hinihingal — urgent na ‘yan
Trust your instincts. Kung may mali, ipaglaban niyo ang anak niyo
Walang rewind ang buhay.
Kung may magagawa kayong mas maaga, gawin niyo na.
Para sa anak ko naiwan sakin
at para sa lahat ng batang pwede pang mailigtas. 🕊️
Ctto