07/05/2026
Ang babae kapag nagmahal, hindi lang basta pagmamahal ang ibinibigay niya.
Buong puso, buong tiwala, buong sarili minsan kahit siya mismo nauubos na.
Hindi madaling sumuko ang babae lalo na kapag totoo yung nararamdaman niya.
Kahit paulit ulit siyang nasasaktan, pipiliin pa rin niyang intindihin ka.
Kahit napapagod na siya kakaiyak, kakaisip, kakahintay, maghahanap pa rin siya ng dahilan para manatili.
Kasi umaasa siya na balang araw, marerealize mo rin yung halaga niya.
Maraming beses na gustong bumitaw ng babae, pero mas pinipili niyang lumaban.
Hindi dahil mahina siya, kundi dahil mahal ka niya nang totoo.
Tinitiis niya yung sakit, yung pagod, yung lungkot, kasi ayaw niyang basta masira yung relasyon na pinahalagahan niya.
Pero tandaan mo…
kapag ang babae napagod na talaga, ibang klase na yun.
Hindi na siya magtatanong.
Hindi na siya maghahabol.
Hindi na siya makikipag away para ayusin pa.
Kasi yung babaeng dating takot mawala ka,
siya na mismo yung matututong bitawan ka.
At masakit man para sa kanya, pipiliin niya na lang yung kapayapaan kaysa paulit ulit na sakit.
Dahil kahit gaano kalalim magmahal ang babae, may hangganan din ang puso na laging nasasaktan.
Kapag naubos ang babae, hindi yan biglaan.
Resulta yan ng maraming gabing umiiyak siya mag isa.
Maraming beses na pinili niyang manahimik kaysa dagdagan pa problema.
Maraming pagkakataon na hinihintay niyang maramdaman na mahalaga siya… pero wala.
Kaya kapag umalis na ang babae na totoo kang minahal,
wala nang galit yun.
Pagod na lang.
Tahimik na pagbitaw matapos niyang ibigay lahat ng kaya niya.