26/04/2026
Gusto ko lang mag share guys please be read , and sabta ug ngano diay , so dapat mag amping ta kinsa naman ang mag 40’s na pataas ang edad careful na jud ug be an healthy active lifestyle na , control what we eat , labi na kita mga girl.I love to share.🫶
TIPs
Bakit Lumalaki ang Tiyan Pag 40s Na?
Napapansin mo ba? Hindi ka naman mas malakas kumain kaysa dati. Pareho lang ang rice at routine, pero parang mas mabilis na ngayon tumaba ang tiyan mo. At hindi ito simpleng ‘nagkakaedad lang.’
Sa edad 40s, lalo na sa mga babae, nagsisimula ang hormonal shifts. Unti-unting bumababa ang estrogen levels mo kahit hindi ka pa officially menopausal. At may epekto ito sa fat distribution ng katawan.
Dati, mas nasa hips at thighs ang fat storage. Ngayon, mas napupunta sa abdominal area. Ang tawag dito ay visceral fat o taba na nasa loob, nakapalibot sa mga organs. At ito ang mas delikado.
Hindi lang ito tungkol sa aesthetics. Kapag mas marami ang visceral fat, mas tumataas rin ang risk ng insulin resistance, prediabetes at diabetes, high blood pressure, high cholesterol, at heart problems.
Bakit? Kapag may insulin resistance, hindi na masyadong nagrerespond ang cells sa insulin. Mas tumataas ang blood sugar. Mas tumataas ang inflammation sa katawan. At ang inflammation na ito, tahimik pero tuloy-tuloy. Unti-unti nitong pinapahina ang blood vessels at pinapataas ang cardiovascular risk mo.
Hindi lahat ng weight gain pare-pareho. At hindi lahat ng belly fat simpleng “nagpabaya ka sa timbang mo.” May role ang hormones, ang stress, ang kakulangan sa tulog, at ang genes. Pero may role ka rin. Hindi na puwedeng “same routine, same habits” habang nagbabago ang hormones mo.
Consistent movement is important. Strength training o exercises na nagpapalakas ng muscles (very important in your 40s). Isama mo pa ang balanced meals na may sapat na protein at fiber, bawas na sa ultra-processed food. At huwag kalimutan ang sapat at maayos na tulog at pag-manage ng stress. Hindi overnight ang pagbabago. Pero consistent small changes make a difference.
Tandaan natin ang goal... Hindi flat na tiyan, kundi stable na sugar, maayos na BP, at mapababa ang long-term risk sa ating kalusugan.
If you’re in your 40s above, it might be time to adjust. Keep protecting your health.
Iwas magkaroon ng maintenance or medication.,