02/07/2026
Inaayos na namin ang tindahan.
At habang ginagawa namin ito, isang tanong ang paulit-ulit sa isip namin. Paano kung hindi magtuloy-tuloy? Paano kung wala namang pumunta? Paano kung hindi sapat ang lahat ng ito?
sa totoo lang hindi namin alam ang sagot. Wala kaming garantiya. Bago pa lang kami. Pero alam rin namin ito. Mas nakakatakot para sa amin ang hindi sumubok kaysa matalo pagkatapos subukan.
Hindi madali magsimula. Pero hindi rin dapat madali. Kung madali, lahat na sana ay may sariling negosyo.
Sundan ninyo ang journey namin