14/10/2025
Happy birthday to the future CEO of ALJ.
Marahil sa ngayon ay hindi pa gaanong malinaw ang iyong mga pangarap, pero naniniwala ako na darating ang panahon kung saan ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang mga bagay na nilagay at patuloy na nilalagay Niya sa iyong puso.
Ipagpatuloy mo ang iyong sinimulan. Napakarami pa ng pwede mong matutunan at maging handa ka sa lahat ng mga bagay na pwedeng mangyare, mga bagay na darating pa lamang.
Ang batang ikaw ay lubos na natutuwa sa iyo, sa mga narating at nagagawa mo. Aalalahanin mo rin balang araw ang mga panahon na pinagdadaanan mo ngayon.
Sa susunod na panahon ay masaya kang magbabalik tanaw at pasasalamatan mo ang Diyos ng buong puso.
Muli, maligayang kaarawan. Ingatan mo ang iyong sarili at magpatuloy ka palagi kasama ang Diyos. Tuloy lang sa pangarap.