16/11/2022
Magandang araw po!
Nais po naming ipaalam na ang Shot Silog ay tuluyan nang magsasara magmula ngayong gabi.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik, umulit umorder, naging suki, at nabusog namin sa nagdaang siyam na buwan. Hindi po kami tatagal sa industriyang ito kung hindi dahil sa inyo.
Sana po ay hindi niyo malimutan ang lasa ng ating sikat na sikat na sisig, tapa, kawali, bulaklak, atbp.
Muli, maraming salamat po!
Shot Silog, SIGNING OFF 🍳🍴🍻