mantess26

mantess26 mahusay

05/06/2024

🎁𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐞𝐭 𝟏𝟎𝟎𝐏 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐫𝐞𝐞!🎁

🎉 Calling all new members! Sign up now and receive a generous gift of – absolutely free!

𝑺𝒕𝒆𝒑 𝒕𝒐 𝒄𝒍𝒂𝒊𝒎:
Step 1️⃣: Register an account on Mafa8. 📲
Step 2️⃣: Verify your account through phone verification. ✅
Step 3️⃣: Go to reward center and key in promo code【MAFA100】💵 **Limited to 1000 per day
Step4️⃣: Enjoy your favorite games and win big! 🎉

**𝑻&𝑪 𝑨𝒑𝒑𝒍𝒊𝒆𝒅
✳️Phone Verification: To activate your bonus, please verify your phone number by entering the code sent to your registered phone number.
✳️Wagering Requirement: The bonus amount is subject to a 20x turnover (TO) requirement.
✳️Maximum Withdrawal: You can withdraw up to 1000P from the bonus winnings. To process this withdrawal, you need to deposit an amount equal to the withdrawal amount.

✨🔥Register today and start claiming your daily rewards! 🔥✨
🌐𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗪𝗘𝗕𝗦𝗜𝗧𝗘 https://www.mafa8.com/register?affiliateCode=socmed
📱𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗟𝗘𝗚𝗥𝗔𝗠 https://t.me/mafa8officialph
💬𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗟𝗘𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗖𝗛𝗔𝗧 https://t.me/mafa8phgroup
📞𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝟮𝟰/𝟳 𝗖𝗦 https://t.me/mafa8ph

21/02/2023

gcash trending scam 😁
entertainment purposes only ,,

15/02/2023

🔥🔥🔥🔥Sa Charlie Wade ay ang manugang na nakatira sa bahay ng kanyang asawa na kinamumuhian ng lahat, ngunit ang kanyang tunay na pagkatao bilang tagapagmana ng isang makapangyarihang pamilya ay nanatiling isang lihim. Sumumpa siya na isang araw, ang lahat ng tao na nanghamak sa kanya ay luluhod sa kanya at hihingi ng awa sa huli!
______________________________
Kabanata 1
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.

Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.

Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.

“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.”

“Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”

Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.

Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinak**atandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs. Lewis na mula sa welfare home ay na-diagnose sa sakit na uremia at kailangan ko ng pera para sa kanyang pagpapagamot…”

Ang buong pamilya Wilson ay napanganga dahil sa labis na pagkagulat.

Lahat sila ay naguluhan at gulat na napatitig kay Charlie.

Itong manugang na ito ay masyadong bastos at mayabang! Hindi na nga siya naghanda ng regalo para sa kaarawan ni Lady Wilson ay mayroon pa siyang lakas ng loob upang humingi ng isang milyong dolyar!

Tatlong taon ang nakalilipas, kung saan si Lord Wilson ay malakas at buhay pa, ay umuwi nang kasama si Charlie at pinilit itong magpakasal sa kanyang apong babaeng na si Claire Wilson. Noong mga araw na iyon, si Charlie ay isang mahirap at miserableng pulubi.

Si Lord Wilson ay namatay matapos ang kanilang kasal. Magmula noon, lahat ng miyembro ng pamilya Wilson ay sinubukang paalisin si Charlie sa kanilang pamilya. Subalit, si Charlie ay palaging tahimik at walang pakialam na parang estatwa kahit na siya ay sabihan ng mga pang-iinsulto at pangbabastos, at siya ay tahimik na namuhay sa loob ng pamilya Wilson bilang isang manugang.

Siya ay wala nang maisip na ibang paraan kaya kinailangan na niyang humiram ng pera mula kay Lady Wilson.

Si Mrs. Lewis, na nag-alaga at nagsalba ng kanya buhay ay mayroong uremia. Kahit papaano ay kailangan niya ng isang milyong dolyar para sa kanyang dialysis at kidney transplant. Si Charlie ay wala nang maisip na ibang paraan liban sa paghingi ng tulong kay Lady Wilson.

Naisip niya na dahil kaarawan naman ni Lady Wilson ngayon, ay maaaring maawa ito sa kanya at tulungan siya nito.

Subalit, si Lady Wilson ay tumatawa pa nang masigla nang bigla itong sumimangot at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.

Inihagis niya ang tasa na nasa kanyang k**ay papunta sa sahig at nagsabing, “B*stardo! Narito ka ba upang ipagdiwang ang aking kaarawan o upang manghiram ng pera?”

Si Claire ay mabilis na lumapit ang nagsabing, “Lola, si Charlie ay wala sa kanyang tamang pag-iisip, sana ay mapatawad po niyo siya.” Pagkasabi niya nito ay galit niyang hinila papunta sa isang gilid ang kanyang asawa.

Sa sandalling ito, si Wendy na pinsan ni Claire ay mapanghamak na nang-insulto. “Claire, tignan mo naman ‘yang basurang pinakasalan mo! Si Gerald ay aking fiancée pa lamang ngunit niregaluhan na niya agad si lola ng isang jade Buddha. Tignan mo ang iyong walang kwentang asawa. Hindi lang siya dumating nang walang regalo, mayroon pa siyang lakas ng loob upang manghiram ng pera kay lola!”

“Tama ka! Charlie, parehas tayong manugang sa pamilya Wilson ngunit isa kang malaking kahihiyan!”

Ang lalaking nagsasalita ay si Gerald White, ang fiancée ni Wendy, na nagmula rin sa isang mayamang pamilya sa kanilang lugar.

Kahit na si Gerald ay ikakasal na kay Wendy, sa kanyang mga mata ay labis na mas maganda at elegante si Claire kumpara sa kanyang fiancée.

Si Claire Wilson ay ang sikat na dyosa ng kagandahan sa Aurious Hill, kaya naman si Gerald ay labis na naiinis at naiirita dahil ang kagandahan nitong taglay ay ipinakasal lamang sa isang talunan.

“Mabuting pang umalis na ang walang kwenta at talunang ito sa pamilya Wilson, ngayon rin!”

“Tama! Isa siyang kahihiyan sa ating pamilya!”

“Marahil ang kanyang tunay na intensyon ay hindi upang humiram ng pera, ngunit ang sirain ang masiyang kaarawan ni lola!”

Madiing kinuyom ni Charlie ang kanya mga k**ao habang ang buong pamilya Wilson ay pinapahiya at binabastos siya. Kung hindi lamang dahil sa tawag ng pangangailangan ay matagal na siyang umalis sa nakakainis na lugar na ito.

Subalit, ang mga salita na kanyang ama ay umalingawngaw sa kanyang isipan. Itinuro nito sa kanya na maging mapagpasalamat sa mga tulong na natatanggap at ibalik ito ng sampung beses. Dahil dito, napigilan niya ang galit at pagkamuhi na nabubuo sa kanyang kalooban at sinabi niya kay Lady Wilson, “Lola, kung sino man ang magliligtas ng isang buhay ay siya ring magliligtas ng buong mundo. Parang awa niyo na, nakikiusap po ako sa inyo.”

Mayroong isang tao ang malakas na suminghal. “Mr. Wade, tumigil ka na sa pagpupumilit kay lola. Kung mayroon kang gustong iligtas, kaya mo na ‘yan gawin nang mag-isa. Sino ka sa tingin mo para humingi ng pera kay lola?”

Ito ay ang kuya ni Wendy, si Harold Wilson.

Ang masama at salbaheng magkapatid na ito ay may pagkamuhi na simula pa lamang kay Claire. Ngunit si Claire ay mas mataas sa kanila sa lahat ng aspeto, kaya naman ay palagi nilang tinitira si Charlie kung magkakaroon man sila ng pagkakataon.

Si Claire na may bahagyang bakas ng pagkahiya sa kanyang mga mukha ay nagsalita, “Lola, ang ama ni Charlie ay namatay noong walong taong gulang pa lamang ito. Si Mrs. Lewis na nagmula sa welfare home ang umaruga sa kanya. Siya ay labis na nagpapasalamat dahil sa kabaitan nito kaya naman ay gustong-gusto niya ibalik ang nagawang kabutihan nito sa kanya. Maaari mo ba siyang tulungan…”

Si Lady Wilson ay nagmaktol nang may galit na itsura, “Gusto mong tulungan ko siya? Sige, hiwalayan mo siya ngayon at pakasalan mo si Mr. Jones! Kung susundin mo ang aking sinabi ay agad ko siyang bibigyan ng isang milyong dolyar!”

Si Mr. Jones na nabanggit ni Lady Wilson ay si Wendell Jones, isang lalaking matagal nang nanliligaw kay Claire kahit na ito ay kasal na. Ang pamilya Jones ay isa sa mga tanyag na pamilya sa upper social circle sa Aurous Hill, ang pamilyang ito ay labis na mas makapangyarihan kung ikukumpara sa pamilya Wilson. Kaya naman ay matagal nang gusto ni Lady Wilson na magkaroon ng magandang ugnayan sa kanilang pamilya.

Sa sandaling ito, ang mayordoma ay mabilis na lumapit at sinabing, “Si Mr. Jones ay nagpadala ng regalo para sa iyong kaarawan, Lady Wilson! Isa itong anting-anting ni Buddha na inukit pa mula sa jadeite stone at nagkakahalaga ng tatlong milyong dolyar!”

Si Lady Wilson ay labis na napangiti at mabilis na sinabing, “Dalhin mo sa’kin! Patingin ako!”

Mabilis na ipinakita ng mayordoma ang kulay luntiang anting-anting ni Buddha na naging dahilan upang magkaroon ng matinding eksklamasyon sa loob ng sala.

Ang kulay luntiang anting-anting ay labis na malinaw at mayroong matingkad na kulay, walang bahid ng anumang karumihan. Isa ito sa may mga pinak**agandang kalidad ng jade.

Si Gerald na nagbigay ng estatwa ni Buddha ay mabilis na nalungkot at nainis. Hindi niya inakala na si Wendel Jones, na walang kinalaman sa Wilson family, ay magiging sobrang galante!

Masayang hinimas ni Lady Wilson ang anting-anting at sinabing, “Oh, napakabuti mo naman Mr. Jones! Matutupad na ang aking matamis na panaginip kung sakaling ikaw ay aking magiging manugang!”

Pagkasabi nito ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Claire at nagtanong, “Ano ang iyong masasabi? Tinatanggap mo ba aking mga tuntunin at kondisyon?”

Umiling si Claire at mariing nagsalita, “Hindi po, lola. Kailanman ay hindi ko hihiwalayan si Charlie.”

Isang madilim at mabagsik na ulap ang pumaling sa mga mata ni Lady Wilson. Siya ay galit na sumigaw, “Wala kang utang na loob! Ano bang mayroon sa talunang iyan? Bakit gusto mong sayangin ang oras mo sa kanya? Sipain ang talunang iyan palabas ng aking bahay! Hindi siya pwede rito sa aking piging na kaarawan! Ayaw kong makita ang kanyang pagmumukha!”

Si Charlie ay bumuntong-hininga nang may pagkabalisa at pagsisisi. Hindi niya na gustong manatili pa sa pamilya Wilson, kaya naman ay sinabi niya kay Claire, “Claire, pupunta ako sa hospital upang bisitahin si Mrs. Lewis,”

Mabilis na sumagot si Claire, “Sasama ako sa iyo.”

Sumigaw muli si Lady Wilson, “Kung aalis ka ngayon ay hindi na kita ituturing bilang aking apo! Dalhin mo ang iyong ina, ama, at ang talunang iyan palabas ng pamilya Wilson!”

Si Claire ay natulala sa kanyang lola dahil sa pagkagulat. Hindi niya inakala na makaririnig siya ng masasakit na salita mula sa kanyang lola.

Sumabat si Charlie, “Manatili ka rito, ‘wag kang mag-alala sa akin.”

Bago pa man makapagsalita si Claire ay agad na tumalikod at umalis si Charlie.

Tumawa si Harold sa kanya likod. “Huy, mahal kong Charlie, kung aalis ka nang walang laman ang tiyan, pupunta ka ba sa lansangan at mamamalimos ng pagkain? Kung gagawin mo man iyon ay madudungisan mo ang aming apelyido! Ito ang isang dolyar, bumili ka ng tinapay o kahit anong gusto mong kainin!”

Naglabas si Harold ng isang dolyar sa kanya bulsa at itinapon ito sa paa ni Charlie.

Ang buong pamilya ay malakas na nagsitawanan at umalingawngaw ito sa buong bahay.

Si Charlie ay nagngalit dahil sa kanyang pagkainis at umalis sa bahay nang hindi lumilingon patalikod.

***

Nang si Charlie ay makarating sa hospital, mabilis siyang pumunta sa kahera ng departamento upang makiusap ng dalawang araw na palugit sa pagbabayad ng kanilang bayarin.

Subalit, nang nilapitan niya ang mga nurse ay ipinagbigay-alam ng mga ito na si Mrs. Lewis ay inilipat sa Fairview Hospital, isang tanyag na ospital sa Eastcliff, para sa pagpapagamot.

Napanganga si Charlie dahil sa labis na pagkagulat at mabilis na nagtanong, “Magkano ang aabutin nito sa pagpapagamot? Hahanap ako ng paraan upang mabayaran ito!”

Sumagot ang nurse at sinabing, “Ang bayarin ay aabot ng tatlong milyong dolyar sa kabuuan. Ang isang milyong dolyar ay nabayaran na, ngunit ang dalawang milyong kulang ay kailangan bayaran sa linggong ito.”

“Sino ang nagbayad ng isang milyong dolyar?”

Umiling ang nurse. “Wala po akong ideya.”

Kumunot ang noo ni Charlie dahil sa pagkalito sa kanyang isip. Nang siya ay lumingon upang malaman kung sino ito ay isang lalaking nasa edad 50-taong gulang na may suot na itim na damit at may kulay abo na buhok ang nakatayo sa kanyang likuran.

Nagkasalubong ang kanilang mga tingin at ang lalaki sa kanyang harapan ay yumuko at sinabing, “Young Master! Nahanap ka rin namin! Pasensya na sa lahat ng problema at pasakit na iyong dinanas sa mahabang panahon!

Kumunot ang noo ni Charlie at nagtanong ito na parang may kausap na isang ganap na estranghero. “Ikaw ba si Stephen Thompson?”

Ang lalaking ito ay napanganga dahil sa pagkagulat. “Young Master, kilala mo pa pala ako!”

Si Charlie ay bahagyang nagulat at bumulong sa kanyang sarili, “Siyempre naman! Naalala ko kayong lahat! Ikaw ang nagpumilit sa aking ina at ama upang umalis sa Eastcliff na kasama ako at tumakas sa bayan na iyon. Ang aking mga magulang ay namatay habang paalis kami at ako ay naging isang ulila. Anong kailangan mo sa akin ngayon?”

Si Stephen ay nagkaroon ng malungkot na ekspresyon at nagsalita, “Young Master, si Lord Wade ay labis na nalungkot nang malamang niya ang tungkol sa pagk**atay ng iyong ama. Hindi siya tumigil sa paghahanap sa iyo. Halika, umuwi na tayo at kitain natin siya!”

Si Charlie ay sumagot nang may malamig na tono, “Umalis ka na lang, hindi ko siya gusto makita.”

Si Stephen ay nagtanong, “Young Master, galit ka pa rin ba sa iyong lolo?”

“Siyempre!” Pasigaw na sagot ni Charlie. “Kailanman ay hindi ko siya papatawarin!”

Malungkot na bumuntong-hininga si Stephen. “Bago ako pumunta rito, sinabi na ni Master na hindi mo siya papatawarin.”

“Mabuti naman! Maswerte siya at marunong pa siyang makiramdam!”

Patuloy na nagsalita si Stephen, “Alam ni Lord Wade na nagkaroon ka ng mahirap na pamumuhay sa loob ng mahabang panahon kaya naman ay sinabihan niya akong tulungan ka. Kung ayaw mong umuwi, bibilhin niya ang pinak**alaking kumpanya sa Aurous Hill at ibibigay niya ito sa iyo. Siya nga pala, ito, kunin mo ang card na ito, ang pin number ay ang iyong kaarawan.”

Iniabot ni Stephen ang premium black card mula sa Citibank.

“Young Master, sa buong bansa ay mayroon lamang limang ganitong card.”

Mariing iniling ni Charlie ang kanyang ulo. “Hindi, hindi ko ‘yan gusto, kunin mo ‘yan.”

“Young Master, si Mrs. Lewis ay mayroon pang utang na dalawang milyong dolyar para sa kanyang mga medikal na bayarin. Kung hindi siya makakapagbayad ay maaaring malagay siya sa alanganin…”

“Pinagbabantaan mo ba ako? Kasama ba ito sa masama mong plano?”

Mabilis na ikinaway ni Stephen ang kanyang k**ay. “Ay hindi! Hindi namin magagawa ang ganiyang bagay! Kunin mo ang card na ito at magkakaroon ka ng sapat na pera upang mabayaran ang iyong mga bayarin.”

Nagtanong si Charlie. “Magkano ang nasa loob ng card na ito?”

“Sinabi ni Lord Wade na naglagay siya ng kaunting pocket money para sa’yo sa card na ito. Hindi ito gaanong malaki, nasa sampung bilyong dolyar lamang!”

Kabanata 2
Sampung bilyong dolyar?!

Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga.

Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinak**ayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan.

Ngayon, nalaman na niya.

Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade!

Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagk**atay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali.

Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung iisipin, ito ay pag-aari ng iyong ama.”

“Sinabi ng Master na kung handa ka nang umuwi, ikaw ang gagawin niyang tagapagmana ng isang-trilyong-dolyar na negosyo. Kung ayaw mo pang umuwi, gamitin mo ang pera na ito sa iyong pang araw-araw.”

“Ah oo, isa pang balita – Ang pinak**alaki at pinakakumikitang kumpanya sa Aurous Hill, ang Emgrand Group na may halagang merkado na isang daang bilyong dolyar, ay nakuha nang buo ng pamilya Wade kahapon. Ang lahat ng bahagi ay nasa pangalan mo, pwede mo nang kunin kung ano ang nararapat sayo sa kumpanya bukas!”

Nakinig nang nakatulala si Charlie sa kanya, talagang hindi makapaniwala.

Hindi ba’t masyadong malaki ang puhunan na binigay ng pamilya Wade para sa kanya?

Isang premium black card na may limitasyon na sampung bilyong dolyar, Ang Emgrand Group na may halagang isang daang bilyong dolyar!

Bagama’t ang Aurous Hill ay lupain ng mga talento, ang tanging itinuturing na pinak**ataas na grupo ay ang Emgrand Group. Ito ang hari ng industriya ng negosyo sa Aurous Hill! Kahit sinong sikat at maimpluwensyang pamilya ay kailangang yumuko sa harap ng Emgrand Group, kasama ang mga pamilya na pinahiya siya ngayong araw – ang pamilya Wilson, at kahit ang pamilya Jones na ang habol ay ang kanyang asawa! Sila ay wala kundi mga tagapaglingkod sa harap ng Emgrand Group!

At ang k**angha-manghang kumpanya na ito ay sa kanya na?

Binigyan siya ng business card ni Stephen at sinabi, “Young Master, baka kailangan mo ng kaunting panahon upang huminahon at pag-isipan ito, kaya aalis na ako ngayon. Ito ang kard na may numero ko, pakitawagan mo ako kung may kailangan ka!”

Doon, umalis na si Stephen.

Nakatulala pa rin si Charlie pagkatapos niyang umalis.

Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang kabayaran mula sa pamilya Wade.

Subalit, naalala niya ang nakaraang dekada nang pagdurusa at kahirapan at ang pagpapahiya na naranasan niya nang pinakasalan si Claire. Ito ang kabayaran na binigay ng pamilya Wade para sa kanyang paghihirap, kaya bakit niya ito hindi tatanggapin?

Bukod dito, kailangan ni Mrs. Lewis nang dalawang milyong dolyar para sa kanyang panggamot.

Nagngalit ang kanyang mga ngipin habang hawak nang mahigpit ang kard, pagkatapos ay tumalikod at pumunta sa kagawaran ng kahera. “Hi, gusto kong ayusin ang bayarin.”

Ang kard ay ginamit, ang password ay nilagay, at ang transaksyon ay natapos.

Dalawang milyong dolyar ang binigay sa account ng ospital nang ganun lang.

Naramdaman ni Charlie na siya ay parang naglalakad sa ulap.

Naging bilyonaryo ba siya sa isang kisap-mata?

***

Umuwi siya nang walang imik.

Sa sandaling ito, ang bahay ay puno ng p**t at galit.

Si Claire at ang kanyang mga magulang ay hindi nanirahan sa villa ng pamilya Wilson at sila ay nanatili sa isang ordinaryong bahay lamang.

Dahil pinakasalan ni Claire si Charlie pagkatapos mamatay ni Lord Wilson, sila ay pinalayas sa villa.

Ang kanyang biyenan ay sumisigaw sa sobrang dismaya, “Charlie Wade, ang talunan na yon! Siya ay kahiya-hiya! Kung hindi mo siya hihiwalayan ngayon, maaaring palayasin ka ng iyong lola sa Wilson Group!”

Sinabi nang kalmado ni Claire, “Kung gagawin niya yon, maghahanap na lang ako ng bagong trabaho.”

“Ikaw…” galit na angal ng kanyang ina, “Anong maganda sa talunan na yon? Bakit hindi mo siya hiwalayan at pakasalan si Wendell? Kung pakakasalan mo si Wendell Jones, ang buong pamilya natin ay titingalain!”

Dinagdag ng kanyang ama, “Tama ang ina mo! Kung pakakasalan mo si Wendell, ang ating pamilya ay magiging mahalagang kayamanan sa pamilya. Mamahalin ka ng lola mo at araw-araw kang bibigyan ng pansin!”

Sinabi ni Claire, “Tumigil na kayo. Hindi ko hihiwalayan si Charlie.”

“Ikaw!”

Gustong ipagpatuloy ng dalawang magulang ang pagpilit kay Claire nang tinulak ni Charlie ang pinto at pumasok.

Tinignan siya nang marumi ng kanyang mga biyenan nang makita siya.

Nangutya ang kanyang biyenang-babae. “Kala ko nakalimutan mo na ang daan pauwi, talunan!”

Nagbuntong-hininga nang tahimik si Charlie. Lagi siyang minamaliit ng kanyang biyenang-babae, ngunit anong gagawin niya kapag nalaman niya na siya na ang nagmamay-ari ng Emgrand Group at mayroong sampung bilyong dolyar na pera?

Gayunpaman, hindi ito ang panahon upang ibunyag ang kaniyang pagkakakilanlan.

Matagal na siyang umalis sa pamilya Wade, sinong nakakaalam kung ano na ang nangyayari doon? Paano kung puntiryahin siya ng isang tao mula sa pamilya kapag nagpakilala siya?

Ang pagtatago ay ang pinak**ahusay na pagpipilian sa ngayon.

Kaya, binaba niya ang kanyang ulo at mapagkumbabang sinabi, “Ina, patawad sa lahat ng gulo na ginawa ko ngayon.”

Sumigaw ang kanyang byenang-babae, “Gulo? Mas malaki pa ito sa gulo, nilalagay mo kami sa tulos! Hindi ka ba magkakaroon ng kahit kaunting kagandahang-asal at umalis sa bahay namin?”

Mabilis na sumingit si Claire, “Ma, paano mo nasabi yan? Manugang mo si Charlie!”

“Kalokohan!” nagmaktol ang kanyang ina, “Wala akong manugang na talunan! Mas mabuti kung lalayo siya hangga’t kaya niya!”

Siniko ni Claire si Charlie at sinabi, “Bilis, bumalik na tayo sa kwarto.”

Tumango nang nagpapasalamat si Charlie at tumakas pabalik sa kwarto.

Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi pa sila nagtatalik, kahit isang beses. Si Claire ay natutulog sa k**a habang siya ay sa sahig sa gilid.

Ngayong gabi, nahihirapang matulog si Charlie.

Ang mga nangyari ngayon ay talagang nakakagulat at nakakataranta at hindi niya pa ito natatanggap.

Bago matulog, sinabi ni Claire, “Kamusta na si Mrs. Lewis? Mayroon akong halos isang daang libong dolyar ngayon, pwede mo itong gamitin bukas.”

Sinabi ni Charlie, “Ayos na. Mayroong nagbayad sa kanyang panggamot at nilipat siya sa Eastcliff para gamutin.”

“Talaga?” Namanghang sinabi ni Claire. “Wow! Kaya magiging maayos na si Mrs. Lewis?”

“Oo,” Sinabi ni Charlie, “Maraming kabutihan ang ginawa ni Mrs. Lewis sa kanyang buhay at tinulungan ang maraming tao. Ngayon, may nagbalik ng pabor sa kanya.”

“Nakakatuwang marinig iyon.” Tumango habang nakangiti si Claire. “Magiging mapayapa na ang isip mo ngayon.”

“Oo.”

“Gusto ko nang matulog. Maraming ginagawa sa kumpanya ngayon, pagod na pagod na ako.”

“Anong nangyayari sa kumpanya?”

“Hindi maganda ang nangyayari nitong mga nagdaang araw. Gustong makipagtulungan ni lola sa Emgrand, ngunit masyadong maliit ang Wilson Group kumpara sa kanila. Hindi man lang nila kami tinignan.”

“Oh? Hindi ba’t nakipagtulungan ang Wilson Group sa Emgrand dati?”

Sarkastikong tumawa si Claire. “Syempre hindi! Ano ba kami sa mata ng Emgrand? Sa tingin ko ay mukha kaming maliit na butil ng alikabok sa kanila! Kahit ang pamilya ni Gerald, ang pamilya ng kasintahan ni Wendy, ay hindi makamoot ang buntot ng imperyo ng negosyo ng Emgrand.

Sadyang tumango si Charlie.

Ginawa na ng Wilson family ang lahat ng kanilang makakaya upang makipagtulungan sa Emgrand Group.

Gayunpaman, hindi maiisip ni Lady Wilson na siya na ang nagmamay-ari sa Emgrand Group ngayon…

Habang iniisip ito, nagdesisyon si Charlie na akuin ang Emgrand Group at tulungan si Claire sa kanyang negosyo. Hindi siya tinatrato nang patas ng pamilya Wilson at masyado siyang inapi. Bilang kanyang asawa, mayroon siyang responsibilidad na pataasin ang kanyang katayuan sa pamilya.

Sinabi niya nang tapat sa kanyang puso, ‘Claire, iba na ang iyong asawa ngayon! Hindi ko hahayaan na maliitin ka ulit ng kahit sino! Papayukuin ko ang buong pamilya Wilson sayo!”

Kabanata 3
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.

Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.

Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.

Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.

Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.

Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinak**abisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.

Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.

Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas,

“Hoy, Charlie!”

Palakaibigan siyang tinawag ni Wendy, ngunit kinilabutan si Charlie.

Sa paggalang, huminto lang siya at hinintay silang lumapit. Siya ay ngumiti at tinanong, “Wendy, uy, bakit kayo nandito?”

Tumawa nang marahan si Wendy. “Ah, nandito si Gerald para kausapin si Doris Young, ang vice-chairman ng Emgrand Group! Nandito ako para samahan siya.”
Pagkatapos ay tumalikod siya at tumingin nang malambing kay Gerald at sinabi, “Maraming proyekto ang pamilya White kasama ang Emgrand Group. Hindi lang ito makakatulong sa pamilya white ngunit makakatulong din sa pamilya Wilson sa hinaharap.”

Hindi alam ni Charlie na ang pamilya White ay isa sa mga kasosyo sa negosyo ng Emgrand Group. Pagkatapos ng lahat, katatapos niya lang akuin ang kumpanya at walang oras para basahin ang mga detalye.

Hindi siya nagpakita nang kaibahan sa kanyang mukha. Sa halip, sinabi niya lang na may magalang na ngiti, “Napakatalentado at k**angha-mangha si Mr. White, bagay kayo sa isa’t isa!”

Mapanghamak na tinitigan ni Gerald si Charlie, mayroong bugso ng galit sa loob niya.

Ang talunan na to ay pinagalitan nang sobra ni Lady Wilson kahapon sa harap ng maraming tao, paano siya nakakangiti na parang payaso na parang walang nangyari?

Bakit pinakasalan ni Claire, isang napakaganda at nakak**anghang babae, ang talunang ito?

Kung hindi nabuhay ang talunan na ito, siguradong hinabol na niya si Claire! Sinong gustong maging kasintahan si Wendy, ang babaeng kulang sa lahat ng aspeto kumpara sa kanya?

Huminga nang pahabol si Gerald na may pagkadismaya at tinanong sa hambog na tono, “Bakit ka nandito?”

Kaswal na sinabi ni Charlie, “Nandito ako para maghanap ng trabaho.”

“Maghanap ng trabaho?” Masungit na kinutya ni Gerald. “Ikaw? Ang talunan na walang magawa ay gustong maghanap ng trabaho sa Emgrand? Niloloko mo ba ko?”

Sumimangot si Charlie. “Anong kinalaman nito sayo?”
Ang rason kung bakit tinawag ni Wendy si Charlie ay para ipahiya siya. Dahil nagsimula na si Gerald, agad siyang nangutya, “Bakit? Tama naman si Gerald diba?”

“Kung pag-uusapan ang pinag-aralan, mayroon ka kahit anong diploma?”

“Kung pag-uusapan ang kasanayan at abilidad, mayroon ka mga nagawa o resulta na maipapakita?”

“Magtiwala ka sakin, hindi nila papansinin ang isang talunang kagaya mo kahit na mag-apply ka bilang guwardiya. Alamin mo ang lugar mo, mas mabuti pa na mangalakal ka ng basura sa kalye, malay mo kumita ka ng dalawa o tatlong libo sa isang buwan!”

Pagkatapos, nagbato siya ng isang bote ng tubig sa paa ni Charlie at ngumisi, “Ayan, kunin mo at ibenta para sa pera! Huwag mong sabihin na wala akong pakialam sayo.”

Tumawa nang makasalanan si Gerald. “Isa kang basura, pero, magk**ag-anak pa rin tayo. Nasa likod mo ko. Nangyari na kilala ko ang vice-chairman ng Emgrand Group, bakit hindi ako magbigay ng puri para sayo at tingnan kung paglilinisin ka niya ng banyo?”

Kinulot nang may pangungutya ni Charlie ang kanyang mga labi at sinabi. “Wala kang pakialam kung anong trabaho ang kukunin ko, dapat mong isipin yung sarili mong negosyo. Malaking kumpanya ang Emgrand Group, hindi nila gustong makipagtulungan sa isang basurang tulad mo.”

Namula sa galit ang mukha ni Gerald. “Sinong tinatawag mong basura?”

Sumagot nang may pangungutya si Charlie, “Ikaw, basura!”

Pagkatapos ay tumalikod siya papunta sa loob at hindi pinansin ang mga galit na sigaw ni Gerald sa likod.

“Hoy! Tumigil ka! Tumigil ka diyan, naririnig mo ba ko?”
Mabilis na naglakad si Gerald at naabutan si Charlie sa elevator hall.

Gusto niyang turuan ng leksyon si Charlie, bigyan ng dalawang sampal sa mukha para malaman ang mangyayari kapag ginalit siya, pero nasa loob na sila ng Emgrand Group. Nag-aalala siya na madudungisan ang reputasyon niya dahil sa mabagsik na gagawin niya at magagalit ang kanyang kasosyo sa negosyo, kaya wala siyang magawa kundi kalimutan ang ideya.

Nagngalit ang kanyang mga ngipin at nagbabala, “Pagbibigyan kita ngayon, pero hindi ka su-suwertihin sa susunod!”

Suminghal si Charlie at pumasok sa elevator. Bago sumara ang pinto, sinabi niya, “Gerald White, sa tingin mo ba ay makapangyarihan ka talaga? Magtiwala ka sa akin, malalaman mo ang kabayaran ng pagiging hambog at mayabang!”

“Ikaw…”

Ang mukha ni Gerald ay naging pangit at namula. Gusto niyang lumusob sa elevator ngunit hinila ni Wendy ang kanyang braso at sinabi, “Gerald, huwag kang sumakay sa elevator kasama ang talunan na yan, baka hindi tayo makahinga sa amoy niya.”

Tumango siya, alam niya na hindi matalino ang paggawa ng gulo dito. Kaya, suminghol siya. “Huh, swerte ka ngayon. Tuturuan kita ng leksyon sa susunod!”

***
Sa elevator, direktang pumunta si Charlie sa pinak**ataas na palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng chairman.

Inayos na ni Stephen ang lahat para sa kanya sa Emgrand. Ang taong namumuno sa pag-aayos ay isang babae na may pangalang Doris Young.

Nakuha ni Doris Young ang kanyang reputasyon bilang kilalang babaeng negosyante sa Aurous Hill. Hindi lamang siya kaakit-akit na babae, ngunit sobra rin siyang magaling. Siya ay naging vice-chairman ng Emgrand Group sa murang edad. Siya rin ay isa sa mga kadahilanan ng pagtagumpay ng kumpanya ngayon.

Ngayong nakuha na ng pamilya Wade ang Emgrand Group, ang dating chairman ay bumaba at nanatili si Doris upang tulungan ang bagong chairman.

Si Doris ay medyo nagulat nang una niyang makita si Charlie. Hindi niya inaasahan ang bata at kaakit-akit na lalaki nang marinig ang tungkol sa kanya mula kay Stephen!

Mabilis siyang huminahon at magalang na bumati. “Maligayang pagdating, Mr. Wade. Pakisundan po ako sa aking opisina.”

Kabanata 4
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.

Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!

Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.

Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”

Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”

Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaking tinatawag na Gerald White at ang kanyang nobya ay nandito para makita ka.”

Agad na sinabi ni Doris, “May VIP ako ngayon dito, hayaan mo sila maghintay.”

Tinanong ni Charlie, “Kilala mo si Gerald White?”

“Ang pamilya ni Mr. White ay isa sa ating mga kasosyo at maraming malaking proyekto nila ay may kinalaman sa ating kumpanya. Sinabi nila na pupunta sila rito upang kausapin ako, ilang beses na rin sila pumunta rito.

Sinabi ni Charlie sa malamig na tono, “Simula ngayon, ang Emgrand Group ay hindi na makikipagnegosyo sa pamilya White. Itigil lahat ng ginagawa at pinaghahandaang proyekto. Kung ang pamilya White ay kikita pa rin ng kahit singko sa ating kumpanya, hindi kita kailangan bilang isang vice-chairman!”

Gulat na gulat si Doris sa isang saglit, iniisip na may isang tao mula sa pamilya White ang nagpagalit sa taong ito. Kaya, masigla siyang tumango at sinabi, “Mr. Wade, Wag kang mag-alala, uutusan ko na ang aking mga tauhan na itigil ang lahat ng kooperasyon sa pamilya White!”

Tumango nang masaya si Charlie at sinabi, “Sabihin mo sa kanila na ang Emgrand Group ay hindi interesado na makipagtulungan sa mababang basura, pagkatapos ay sabihin mo sa mga guwardya na palayasin sila.”
***
Sa labas ng opisina, balisang naghihintay sina Gerald at Wendy.

Palaging nais ng pamilya White na maging susi sa pakikipagtulungan sa Emgrand Group, kaya gusto niyang bumuo ng isang magandang relasyon kay Doris Young at palapitin ang ugnayan ng pamilya niya.

Pero nangyari ang hindi inaasahan. Lumapit ang sekretarya ni Doris sa kanila kasama ang maraming guwardya.

Tinanong nang nalilito ni Gerald, “Hi, maaari ko bang malaman kung pwede na naming makausap si Miss Young?”

Malamig na tumingin sa kanya ang sekretarya at sinabi, “Pasensya na, sinabi ng aming vice-chairman na ang Emgrand Group ay hindi na interesado makipagkooperasyon sa mababang basura tulad mo. Simula ngayon, ititigil na namin ang lahat ng proyekto ng pamilya mo!”

“Anong sinabi mo?!”

Napanganga si Gerald sa sobrang gulat ang ang kanyang panga ay halos mahulog na sa lapag. Bakit parang pamilyar ang sinabi niya?

Ah, tama! Sinabi ni Charlie ang parehong bagay noong kami ay nasa paradahan!

Anong ibig sabihin ni Doris Young? Balak niya ba talagang itigil lahat ng pakikipagtulungan kasama ang pamilya White?

Naramdaman ni Gerald ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ulo, sumasabog sa loob.

Anong nangyari?

Ititigil lahat ng proyekto?

Malaking bahagi ng kita ng pamilya White ang nagmula sa pakikipagtulungan sa Emgrand!

Kung puputulin ng Emgrand Group ang ugnayan, hindi ba’t ibig sabihin nito na ang buong kayamanan ng pamilya nila ay mababawasan ng kalahati?

Hindi, hindi niya matanggap ang malupit na katotohanan. Isinigaw niya, “Gusto kong makausap si Miss Young! Gusto kong tanungin siya sa personal!”

Malamig na tumingin lamang ang sekretarya sa kanya. “Pasensya na, hindi ka kakausapin ni Miss Young at hindi ka na rin maaaring pumunta rito!”

Sumigaw nang may pagkadismaya si Gerald, “Niloloko mo ba ko? Matagal na kaming kasosyo sa negosyo ang Emgrand, hindi siya ang magdedesisyon sa pagtigil ng lahat ng aming proyekto nang ganun-ganun lang! ‘Wag mo kaming pakialaman!”

Hindi pinansin ng sekretarya ang kanyang pagsigaw at humarap sa mga guwardya na nakapaligid sa kanya, “Palayasin sila!”

Mabilis na kumilos ang pinuno ng seguridad sa kanila. Sinunggaban niya ang pulso ni Gerald at binaluktot ito sa likod niya.

Napasigaw si Gerald sa sakit at malamig na nagsalita si Captain Cooper, “Bilisan mo at umalis na kayo rito! Kung gagawa kayo ng gulo sa Emgrand Group, babaliin kita sa dalawa!”

“Guwardiya ka lang, sino ka para sigawan ako? Hindi mo ba ako kilala?”

Sinampal siya agad ni Captain Cooper sa mukha at sumigaw, “Sino ka sa harap ng Emgrand Group?”

Naramdaman ni Gerald ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa sampal. Sasabog na dapat siya sa galit nang tumunog ang kanyang telepono.

Tumatawag ang ama niya.

Nang sinagot niya ang tawag, isang galit na sigaw ang umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng linya. “! Anong ginawa mo? Gustong itigil ng Emgrand Group ang lahat ng proyekto sa atin! Sino ang ginalit mo?”

Umangal nang malungkot si Gerald, “Hindi, Pa, hindi yan totoo, wala akong ginalit. Pumunta lang ako rito para kausapin si Miss Young, pero hindi ko pa nga siya nakakausap…”

Sumigaw uli ang ama ni Gerald. “Sinabi ng mga tao sa Emgrand Group na tinigil nila ang pakikipagkooperasyon sa atin dahil sayo, ang mababang basura! Ikaw ang dahilan kung bakit may malaking pagkawala ang ating pamilya! Bilisan mo at bumalik ka na, ipaliwanag mo ito sa iyong lolo!”

Hawak ang telepono habang nakatulala, pilit na hinatid palabas ng Emgrand Group sina Gerald at Wendy.
Biglang lumitaw ang mukha ni Charlie sa kanyang isipan. Bigla siyang humarap kay Wendy at tinanong, “Wendy, dahil ba ito sa iyong talunan na pinsan? May kinalaman ba siya sa Emgrand Group?”

“Huh?” Malinaw na nagulantang si Wendy sa tanong ni Gerald. Nang inisip niya ang pangyayari, mukha ngang may kinalaman ito sa talunan, pero isa siyang talunan!

Kaya, umiling siya at mahigpit na sinabi, “Hindi, talagang imposible na may kinalaman siya sa Emgrand Group. Ni hindi nga siya kwalipikado para linisin ang kanilang banyo!”

“Tama ka…” Tumango nang manhid si Gerald. Yumuko siya nang malalim nang maisip ang galit niyang ama. “Kailangan kong umuwi agad…”

Hindi nagtagal, ang balita na inalis ang pamilya White sa Emgrand Group ay kumalat sa Aurous Hill.

Walang may alam kung ano ang dahilan, pero sigurado sila na ginalit ng pamilya White ang Emgrand Group.

Sa sandaling ito, ang pamilya White ay tila ba wala ng kwenta.

Ang kanilang buong kayamanan ay lumiit nang mas malaki pa sa kalahati. Bago ito mangyari, sila ay malapit na sa tugatog ng social ladder sa kanilang lungsod, pero pagkatapos ng pangyayari, agad silang bumagsak ng maraming antas at naging segunda klase sa lipunan.

Nanginginig sa galit si Lady Wilson nang marinig ang balita.

Gusto niyang ihinto ang kasunduan na pagpapakasal ni Wendy kay Gerald, pero kahit pagkatapos ng terminasyon, mas prominente pa rin ang pamilya White sa pamilya Wilson at hindi niya kayang mawalan ng mga ugnayan, kaya matitiis niya lamang ito sa ngayon.
***

Samantala, sa opisina ni Doris, napahanga si Charlie at nasiyahan pagkatapos marinig ang proseso. Lubos niyang hinahangaan ang kanyang mabilis at mahigpit na tugon.

Nagsalita siya nang may masayang ngiti, “Doris, mahusay ka, magaling ang ginawa mo. Simula ngayon, doble na ang sahod mo.

Napanganga si Doris sa pagkagulat. Tumayo siya at yumuko nang magalang. “Salamat po, Mr. Wade!”

Tumango si Charlie at nagpatuloy, “At saka, gusto kong gumawa ka ng dalawang anunsyo.”

“Sige po, ipagpatuloy niyo lang po.”

“Ang unang anunsyo ay ang pag-iba ng may-ari ng Emgrand Group at ang nominasyon ng bagong chairman, ngunit huwag mong ibunyag ang aking pagkakakilanlan. Sabihin mo lang na tinatawag siyang Mr. Wade.”

“Ang pangalawa ay ang anunsyo na ang Emgrand Group ay mamumuhunan ng dalawang bilyong dolyar upang magtayo ng isang six-star hotel sa Aurous Hill, at pagpapahayag ng pag-alok sa mga kasosyo. Ang mga kumpanya ng konstruksyon at panloob na disenyo sa buong siyudad ay maaaring mag-alok!”

Ang pangunahing negosyo ng Wilson Group ay ang panloob na disenyo at konstruksyon. Ang matandang babae ay nangangarap na makasakay at makapaglayag sa Emgrand. Kung sino man ang mananalo sa alok ng Emgrand Group ay siguradong magiging pinakahahangad na tao sa kumpanya.

Ngayong siya na ang nagmamay-ari ng Emgrand Group, dapat niyang bigyan ng matamis na parte ang kanyang asawa.

Kabanata 5
Ang dalawang anunsyong inilabas ng Emgrand Group ay yumanig sa buong Aurous Hill na parang isang malakas na lindol.

Nang malaman ng pamilya Wilson ang pagbabago sa mga posisyon sa loob ng Emgrand Group, nasagot ang kanilang katanungan kung bakit nahinto ang kanilang pakikipagtrabaho sa pamilya White.

Mukhang ang bagong may-ari ng Emgrand ay hindi iniisip ang pamilya White.

Balik tayo sa punto, sino si Mr. Wade? Binili niya ang Emgrand Group na nagkakahalaga ng ilang daang bilyong dolyar nang ganun-ganun na lang—napak**akapangayarihang tao niya, hindi ba? Kahit ang pinak**ayamang tao sa Aurous Hill ay hindi kayang gawin ‘yon.

Sa isang iglap, maraming mayayamang pamilya ay desididong gumawa ng aksyon. Gusto nila magkaroon ng maganda koneksyon sa misteryosong si Mr. Wade habang sa kabila ng kanilang mga isipan ay ninanais nilang ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya.

Bukod pa rito, ang anunsyong tungkol sa Emgrand Group’s investment na dalawang bilyong dolyar para sa pagpapatayo ng hotel ay talagang ikinagulat ng mga kumpanya sa konstruksyon at panloob na disenyo sa Aurous Hill.

Dalawang bilyon!

Maaari silang kumita nang malaki kahit sa pangangalakal lang ng mga basura sa gagawing proyekto.

Maraming kumpanya ang nagnanais na makasama sa proyektong ito, kahit na si Lady Wilson, na ang tanging hangad ay pera.

Sa mga sandaling ito ay parang nasa buwan si Lady Wilson. Dalawang bilyong dolyar na proyekto! Ito na ang pinak**agandang pagkakataon para sa pamilya Wilson na makakuha ng kontrata para sa malaking proyektong ito. Paniguradong magiging malaking bagay ito para sa kanilang pamilya kung mangyari man ito!

Dahil dito, nagpatawag siya ng daliang pagpupulong sa kanilang mansyon ngayong gabi upang pag-usapan kung papaano sila makakapasok sa malaking proyekto ng Emgrand Group. Lahat ay kailangang dumalo!

Sa gabing iyon, sa mansyon ng pamilya Wilson, ay dumalo si Charlie dahil na rin sa utos ni Lady Wilson na kailangang lahat ay dumalo.

Alam ni Charlie ang pinakapakay ni Lady Wilson sa pagpupulong na ito, kaya naman ay sinamantala niya ang pagkakataong ito para palakasin ang loob ni Claire.

Nang makita siya ni Harold, ang pinsan ni Claire, ay mapanghamak siyang inasar nito, “Grabe! Charlie Wade, ang kapal ng mukha mo. Saan ka humanap ng lakas ng loob para magpakita ka ngayon kay lola!”

Si Claire na may seryosong itsura ay nagsalita, “Tumigil ka na. Sinabi ni lola na kailangang dumalo lahat ng kasapi ng pamilya Wilson. Si Charlie ay aking asawa, kaya nangangahulugan itong kasapi rin siya ng pamilya Wilson!”

Sarkastikong tumawa si Harold. “Kasapi siya ng pamilya Wilson? Haha! Siya ay walang kwenta bukod sa pagiging isang manugang na nakatira rito!”

Ikinuskos ni Charlie ang kanyang daliri sa kanyang ilong dahil sa bahagyang pagkasabik at sinabi kay Claire, “Mahal, hayaan mo na siya, huwag ka nang makipagtalo pa sa kanya. Pumasok na tayo sa loob at naghihintay na si lola sa pagdating ng mga kasapi.”

Tumango si Claire at naglakad na patungo sa loob ng bahay nang hindi lumilingon kay Harold.

Ang mukha ni Harold ay biglang sumimangot at nainis, tila ba’y naghihintay ito na mapahiya sila mamaya.

Nang makapasok sila sa loob, umupo sa isang sulok sina Charlie at Claire.

Hindi nagtagal ay magarang dumating si Lady Wilson at opisyal nang nagsimula ang pagpupulong.

Si Lady Wilson ay umupo sa dulo ng lamesa. Kinatok niya ang lamesa at masayang sinabi ang kanyang panimulang salita, “Tayo, ang pamilya Wilson, ay matagal nang naghihintay sa ganitong klaseng pagkakataon sa loob ng maraming taon, isang pagkakataon na makakapagpabago sa ating pamilya, tungo sa tugatog ng social pyramid sa Aurous Hill! At ang pagkakataong iyon ay narito na ngayon!”

Siya ay nagpatuloy sa pagsasalita nang may malakas na boses, “Sa pagkakataong ito, ang Emgrand Group ay naglabas ng anunsiyo tungkol sa isang malaking proyekto na nagkakahalaga ng dalawang bilyong dolyar. Kung sino man ang makakapasok sa proyektong ito ay magkakaroon ng malaki at magandang benepisyo!”

“Bukod pa rito, ito ang unang malaking proyekto ng Emgrand Group matapos ang pagpapalit ng may-ari nito. Isa itong magandang pagkakataon para sa atin!”

“Kung magagawa nating makipagtulungan sa Emgrand Group at magkaroon ng magandang impresyon sa bagong chairman, ay paniguradong magiging makapangyarihan at sikat ang ating pamilya sa hinaharap!”

Ang ibang mga dumalo ay mapapansing mayroong ibang ekspresyon at malayo sa kasiyahang nadarama ni Lady Wilson.

Sa katotohanan ay wala namang bago sa kagustuhan ng pamilya Wilson na makasama sa trabaho ang Emgrand Group. Subalit, sa hinaba ng panahon ay palaging hindi pinapansin ng Emgrand Group ang hiling ng pamilya Wilson. Ano ang pumasok sa isipan ni Lady Wilson para maisip niyang mayroon silang tsansang makapasok sa proyektong ito ngayon? Hindi ito posible.

Dahil sa katahimikang bumalot sa silid, ay namula ang mukha ni Lady Wilson at sumigaw nang malakas dahil sa sobrang galit, “Bakit? Manhid na ba kayong lahat? Wala ba ni isa sa inyo ang may lakas ng loob na kumuha ng maliit na parte sa dalawang bilyong dolyar na proyektong ito?”

Lahat ng kasapi ay nagtinginan ngunit ni isa ay walang naglakas-loob ng magsalita.

Dahil dito ay lalong nainis si Lady Wilson, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at sumigaw, “Makinig kayong lahat sa’kin! Kung sino man ang makakakuha ng 30 milyong dolyar na kontrata sa Emgrand Group ay magiging direktor ng ating kumpanya!”

Lahat sila ay napanganga na para bang may bombang sumabog sa loob ng silid.

Pinamunuan ni Lady Wilson ang kanyang pamilya at kumpanya gamit ang bakal na k**ay, kaya naman ay hindi pa siya nagtalaga ng direktor ng kumpanya kailanman. Kung sabagay, ang pagiging direktor ay nangangahulugang pagiging makapangyarihan sa lahat ng oras, tanging tagapagmana lamang ng kumpanya ang pwede sa posisyong ito.

Ngayong ginamit na niya ang posisyong ito bilang gantimpala, marahil ay inaasahan niyang may kung sino man ang kukuha sa trabaho ito upang makuha ang magandang gantimpalang ito. Mababakas na talagang desidido siya makasama sa proyektong ito.

Kahit na ang gantimpalang kanilang matatanggap ay kaakit-akit, hindi ito madaling gawin.

Ang pagkakaroon ng kasunduan sa Emgrand Group at ng 30 milyong dolyar na kontrata? Marahil ay ito ng ang pinakanakakatawang biro sa buong siglo sa mata ng mga miyembro ng pamilya Wilson. Kahit na si Lady Wilson na mismo ang pumunta para kausapin sila, ay hindi pa rin ito siya pinapansin, paano pa kaya ang pagiging magkatrabaho.

Ang lugar ng pagpupulong ay nabalot ng katahimikan na parang isang simbahan.

Galit na kinalabog ni Lady Wilson ang lamesa at galit na nagsalita, “Lahat kayong miyembro ng pamilya Wilson, wala ba ni isa sa inyo ang kayang lumutas ng problema ng ating pamilya?”

Pagkatapos nito ay lumingon siya kay Harold. “Harold, ibibigay ko sa iyo ang trabahong ito!”

Pakunwaring tumawa ni Harold at mabilis na sumagot, “Lola, kahit na ang pamilya White ay pinaalis sa Emgrand Group. Ang ating pamilya ay mas mababa sa kanila, paano tayo magkakaroon ng tyansa sa Emgrand…”

Galit na sumagot si Lady Wilson, “Lapastangan! Paano mo nagagawang sumuko kahit hindi mo pa sinusubukan! Mas wala ka pang lakas ng loob kumpara sa talunang si Charlie!”

Sa totoo lamang ay walang ring kumpyansa si Lady Wilson sa bagay na ito, ngunit ayaw niya na maging pinuno ng isang pamilya palaging nasa pangalawa o pangatlong lebel antas ng social pyramid. Gusto niyang umangat ang estado ng pamilya Wilson kahit na sa kaniyang mga panaginip.

Tanging ang malaking proyekto ng Emgrand Group ang kanyang pag-asa upang makamit na ang kanyang matagal nang pangarap. Samakatuwid, hinding-hindi niya ito susukuan kahit na mahirap.

Sa kanyang isip, si Harold, ang pinak**atanda niyang apo, ay maluwag na tatanggapin ang kanyang pinag-uutos, subalit, sa hindi inaasahan ay tinanggihan siya nito sa harap niya mismo!

Si Harold ay labis na nalungkot at nalumbay. Walang sinuman na nasa tamang katinuan ang tatanggap ng imposible utos na ito. Sigurado siyang sisipain kaagad siya palabas sa sandaling tumapak siya sa harap ng pinto ng Emgrand Group.

Kung mangyari man iyon, hindi lang siya mabibigo sa iniutos sa kanya, siya rin ay iinsultuhin at aasarin dahil sa kabiguan niya. Kaya naman ay hindi niya kayang sundin ang kanyang lola anuman ang mangyari.

Si Lady Wilson ay tumingin sa iba pang kasapi at sumigaw nang malakas, “Paano naman ang iba sa inyo? Wala ba ni isa sa inyo ang may lakas ng loob na tanggapin ang hamong ito?”

Sa sandaling ito, tinapik ni Charlie si Claire sa balikat at bumulong, “Mahal, tanggapin mo ang misyon!”

Si Claire ay napatili dahil sa pagkagulat, “Baliw ka ba? Imposibleng makipagtrabaho ang Emgrand Group sa maliit na kumpanyang katulad natin!”

Bahagyang napangiti si Charlie at nagsalita nang may tiwala sa sarili, “Huwag kang mag-alala, siguradong magagawa mo ito!”

Labis na napadilat ang mga mata ni Claire dahil sa pagkagulat. “Sigurado ka ba?”

Seryosong tumango si Charlie at sinabing, “Siyempre, wala akong nakikitang anumang problema! Magtiwala ka sa akin at sulitin ang pagkakataon. Ang katayuan mo sa pamilya Wilson ay sigurado tataas sa hinaharap!”

Hindi maipaliwanag ni Claire ang kanyang nadarama, ngunit para bang nahipnotismo siya ng mga salita ni Charlie. Tumayo siya bago pa man niya maisip ang mga sinabi ni Charlie at nagsalita, “Lola, handa akong subukan ang inyong pinag-uutos…”

Address

No. 5 14th. Avenue Brgy. Socorro Quezon City
Quezon City
1109

Telephone

+639684342255

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mantess26 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to mantess26:

Share

Category