18/03/2026
This was the first time we market our broas, First layout ng Label, First Logo , First Packaging, Medyo tustado pa nga ang gawa namin at manipis 😄
Ang feedback ng iba masarap naman , pero ang nipis . yun iba naman bakit ang tigas , at yung iba ang sabi bkit durog nung dineliver etc..
may mga sitwasyon talaga na gagana ang makina mo sa mga feedbacks na mattanggap mo. ha anu daw? 😁 ibig ko sabihin un passion mo, eto ang magddrive sayo para makuha mo ang tamang sistema at tamang timpla ng kung anu man ang ginagawa mo.
Now, mag 2 years na din kami sa Collettes Buko Pie at Pasalubong and they are consistently distributing our product sa ibat ibang branches nila. salamat din at maganda ang feedbacks na narerecieve namin maraming salamat sa naka appreciate at sa oportunidad. 🫡
Since na limited lang din ang aming kapasidad to expand our business .. ang teknik wag ka hihinto kasama sa business ang matumal na benta, minsan lugi panga.. ika nga ng Brgy. Ginebra "Never Say Die". hanggat buhay kapa at may oras ka sa mundong ito. gawin mo na lahat ng best mo. syempre gawin mo sentro ang Diyos dahil sya ang magpprovide ng kakailanganin mo kung ang lahat ng ginagawa mo ay naayon sa kagustuhan nya para sayo at sa pamilya mo. ♥️