21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ 54: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐
Si Liliosa โLilliโ Hilao ay isang Iskolar ng Bayan mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at isang mag-aaral ng Communication Arts. Isa siyang student leaderโnaging pangulo ng Communication Arts Department, kinatawan sa PLM Student Central Government, kalihim ng Womenโs Club of Pamantasan, at associate editor ng Hasik, ang opisyal na publikasyon ng unibersidad noong panahon na iyon. Dahil sakaniyang pagsusumikap, siya ay nakatakdang magtapos bilang cm laude noong 1973.
๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐-๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ค๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ.
Sa ilalim ng diktadurang Marcos, ginamit ni Liliosa ang kaniyang panulat upang ilantad ang kalagayan ng bansa. Kabilang sa kaniyang mga isinulat para sa Hasik ang โDemocracy is Dead in the Philippines under Martial Lawโ at โThe Vietnamization of the Philippines.โ Mula nang ideklara ang Batas Militar noong 1972, nagsuot din siya ng itim bilang tanda ng pagluluksa sa pagkamatay ng demokrasya.
Noong gabi ng Abril 4, 1973, sinalakay ng mga sundalo ang tahanan ng pamilya Hilao sa Quezon City upang hanapin ang kaniyang lalaking kapatid. Nang hingin ni Liliosa ang search warrant o arrest order, siya ay binugbog, pinosas, at dinala sa Camp Crame.
Sa Camp Crame, nakita ng kaniyang bayaw, isang opisyal ng Army, ang mga bakas ng matinding torture sa kaniyang katawan. Kinabukasan, ipinatawag ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Alice sa Camp Crame Station Hospital. Doon niya natagpuan si Liliosa na wala nang buhay, na may malinaw na mga marka ng matinding torture at seksuwal na pang-aabuso.
Sa kabila nito, iginiit ng mga awtoridad na nagpakamatay si Liliosa sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at idineklarang sarado ang kaso. Nanatili itong isa sa mga unang dokumentadong kaso ng pagkamatay ng isang political detainee sa ilalim ng Batas Militar. Sa mga sumunod na taon, minanmanan ng militar ang pamilya Hilao, at napilitan ang ilang miyembro nito na lisanin ang kanilang tahanan upang makaiwas sa pag-aresto at detensiyon.
Makalipas ang dalawang linggo, ginanap ang graduation ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Nananatiling bakante ang upuan ni Liliosa habang posthumously siyang ginawaran ng kaniyang degree at karangalan.
๐๐๐๐๐๐๐ฉ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐ข๐๐ฅ๐๐จ.
๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐ ๐-54 ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐จ ๐๐๐ก๐๐ฉ๐๐ง, ๐ข๐ช๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ค๐ฃ๐: ๐ผ๐ฃ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐๐ค๐ ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ก๐๐ค๐จ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ข๐๐ฉ๐๐๐จ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐๐ค๐ฃ๐ค๐ง๐๐ง๐ฎ ๐๐๐๐ง๐๐ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐ค๐ง ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ค๐จ ๐
๐ง.?
Noong Agosto 27, 2026, iginawad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Doctor of Laws, Honoris Causa, ang pinakamataas na honorary degree ng unibersidad.
Hindi maaaring paghiwalayin ang karangalang iginagawad ng Pamantasan sa kasaysayan ng mga iskolar na pinagkaitan nito ng pagkakataong mabuhay, makapagtapos, at maglingkod sa bayan.
Ngayong nasa kritikal na sitwasyon ang ating bansa sa harap ng pagkalimot at tuluyang pagbura sa madugong nakaraan, responsibilidad nating mga Iskolar ng Bayan na alalahanin at bigyang-dangal ang mga kapwa-Iskolar natin tulad ni Liliosa Hilao.
Huwag nating hayaang unti-unting mabura ang kuwento ng kanilang katapangan. Pag-alabin natin ang bawat sanaysay, patuloy na maghayag sa pamamagitan ng sining, at gamitin ang ating mga tinig para sa isang mulat na lipunan.
Dapat natin silang alalahanin hindi lamang tuwing anibersaryo ng Martial Law, kundi sa araw-araw na pagpasok natin sa Pamantasan. Sapagkat ang pag-alala ay hindi lamang paglingon sa nakaraan, kundi paninindigang huwag nang muling maulit ang malagim na kasaysayan.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.๏ฟฝ
๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! โโค๏ธโ๐ฅ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Liliosa Hilao - Bantayog ng mga Bayani. (2023, June 10). https://bantayogngmgabayani.org/bayani/liliosa-hilao/
Pedroso, K., & Medina, M. (2015, September 1). Liliosa Hilao: First Martial Law detainee killed. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/718061/liliosa-hilao-first-martial-law-detainee-killed
Martial Law Museum. (2016). Martial Law Museum. https://learn.martiallawmuseum.ph/magaral/the-heroes-who-fought-martial-law-liliosa-hilao/