23/12/2024
Life is not always smooth sailing, but it goes on no matter what. Minsan, parang ang bigat-bigat na ng lahat—trabaho, pamilya, relasyon, at mga pangarap na parang ang hirap abutin. Pero kahit gaano kahirap, kailangan nating magpatuloy. Hindi tayo puwedeng sumuko, kasi kung titigil tayo, paano natin malalaman kung anong naghihintay sa dulo ng laban?
Kahit gaano kahirap, laban lang. Ang mga challenges na dumarating sa buhay natin ay hindi parusa, kundi proseso. Hindi naman lahat ng bagay makukuha agad-agad. Sometimes, God delays our blessings not because He’s punishing us, but because He’s preparing us for something better. Tiwala lang.
Walang shortcut sa tagumpay, at walang madaling solusyon sa mga problema. Pero ang meron tayo ay lakas ng loob at pananampalataya. Kapag napagod, pahinga lang, huwag susuko. Andito ka sa mundo hindi para lang magdusa; andito ka kasi may purpose ka. Kahit hindi mo pa alam kung ano ‘yun, keep going.
Faith in God is still the best armor we have. Hindi naman laging maayos ang sitwasyon, pero kapag ibinigay natin sa Kanya lahat ng bigat na dinadala natin, gumagaan kahit papaano. Dasal lang. Kapit lang.
At higit sa lahat, huwag mong kakalimutan ang sarili mo. Alagaan mo sarili mo, mahalin mo sarili mo. Mahalaga ka, hindi man sinasabi sa'yo ng iba, pero totoo 'yun. Life is tough, but so are you. ✨