20/02/2024
𝐓𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐮𝐠𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞. 𝐊𝐚𝐲𝐚'𝐭 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐞𝐦𝐨𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞.
————— 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐑𝐀𝐀𝐍—————
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞! 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐚𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐥𝐚!
Sa bawat linggong lumipas, ipinakita namin ang aming husay sa pagluluto at paglilingkod sa bawat platong aming inihahain. Hindi lamang ito simpleng paghahanda ng pagkain, ito'y pagbibigay ng kasiyahan at karanasan sa bawat 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐨 na pumapasok sa pintuan ng aming tahanan.
Ang inyong mga kuwento ay ang patuloy na nagpapalaganap at nagpapakilala sa 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞. Kaya sa aming mga tapat na mga 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐨, maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞. Nawa ay manatili sa inyong puso at isipan ang 𝐒𝐚𝐥𝐨 𝐒𝐞𝐫𝐲𝐞.
Ang nakaraan ay isang alaala na mananatiling buhay sa ating mga puso. Mabuhay kayo, 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐨! Hindi namin kayo malilimutan!
Mabuhay tayong lahat!