14/09/2024
Kitakits sa PUP Main, mga kofemilya!
Bisitahin niyo ang aming booth kasama ang Lunán, magbebenta kami ng inyong paboritong mga PAD41 Kofe drinks! 🥤
SINTA, TARA! BALIK NA!
Sa pagbabalik natin sa Sintang Paaralan para panibagong taong panuruan, sama-sama nating ipagpatuloy ang buhay na militanteng tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan. Mula sa mga danas ng bawat PUPian, ipagsilbi natin ang edukasyong natatamasa natin sa kapakinabangan ng lipunan—isabuhay natin ang kataga ni PUP na “Mula sa Iyo, para sa Bayan!”
Sa lumalalang krisis sa ekonomiya at edukayson, ipagpapatuloy natin ang ating mga laban upang patampukin ang iba't ibang mga isyung kinahaharap ng mga estudyante at ng lipunan sa kabuuan. Nariyan ang patuloy na pagtapyas sa pondo ng PUP at iba pang State Universities at Colleges (SUCs) sa bansa habang lumulobo ang pagpopondo ng gobyerno ni Marcos, Jr., sa pasismo at korapsyon. Sa susunod na taon, makakatanggap ang SUCs ng 12% na budget cut, habang dinagdagan naman ng Php 50 billion ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang puwersa ng estadong nagtutulak sa giyera sa pagitan ng US at Tsina. Nariyan din ang hindi makatarungang Php 64.00 poverty threshold na gumigipit at gumugutom sa mga Pilipino at higit pang nagbibigay-katwiran para sa patuloy na pambabansot sa sahod para mga manggagawang Pilipino habang ipinagbubulalas ni Marcos, Jr., at nga mga alipores niya ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang Balik Sinta ay isang protesta at tradisyon na kung saan militanteng sinasalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang panibagong pang-akademikong taon. Ngayong taon ay bitbit natin ang panawangang dahil ang danas ng mga PUPian—power interruptions at hybrid learning, kakulangan sa classrooms and other educational and extracurricular facilities, kawalan ng maayos na tirahan at suporta sa mga atleta, pati ang delayed at mababang pasahod para iilang mga propesor at kawani—ay mag-uugat sa kakulangan sa badyet ng pamantasan.
Ang danas nating mga PUPian ay hindi nalalayo sa tunay na danas ng sambayanang Pilipino, kung kaya't hamon sa ating lahat na mas paingayin pa ang ating mga bitbit na kampanya. Mula pamantasan hanggang lansangan, ang mga Iskolar ng Bayan ay titindig para sa ating mga karapatan! Titindig para sa edukasyong aksesable, libre, at kalidad para sa lahat! Titindig para sa nasyonalistiko, siyentipiko, at makamasang edukasyon! Titindig para sa edukasyon nagsisilbi sa interes at kapakanan ng bawat mamamayan tungo sa pagpapalaya ng lipunan!