01/03/2026
๐๐๐ซ๐๐จ ๐๐๐ง๐ ๐จ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ ๐ ๐ฐ๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ฎ๐ฅ ๐ฉ๐จ๐๐ฆ ๐ฐ๐ซ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ง ๐ฌ๐ฉ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฐ๐ก๐จ ๐๐ก๐จ๐ฌ๐ ๐ญ๐จ ๐ก๐ข๐๐ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐๐ก๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐จ๐ฆ๐๐จ๐ง๐.
โ๏ธโ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ฆ๐ญ๐ช๐ฌ๐ถ๐ญ๐ข.โ
Madalas akong nanonood ng mga pelikula,
Yung tipong may tatakbo sa ulan para aminin ang nararamdaman,
Yung tipong may titigan sa isa't isa ang mga bida,
Yung tipong ang ending ay malinaw at nabibigyang daan.
Mga pantasiya ng mga bata na dinadala sa pagtanda,
Pantasiya na kinakapitan ko kahit ilang araw na lang ay graduation na,
Naniniwala parin ako sa isang malaking himala,
Na may dahilan kung bakit tayo ay sinadyang magkita.
Pero imbis na tumakbo sa ulan para sayo,
Tumakbo ako palayo,
Imbis na titigan ka at makipag usap,
bumaling ako sa mga ulap,
Lumalabo ang aking paningin tuwing nakikita kita,
At lumilihis ako ng daan tuwing andiyan ka na,
Ibang iba sa mga napanood kong pelikula.
Dahil hindi nagtatapos sa isang magarbong ganap ang lahat,
Nagtatapos ito sa isang araw na hindi na kita makausap,
Hindi dahil sa lungkot, pighati, o mga damdaming dramatiko,
Bagkus mas mainam lamang kung magtatapos nalang sa ganito.
Written by Hendrix Pamplona